1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya
  3. Ang mga Kainaman at ang mga Kaasalan

Ḥadīth Ang paghahalintulad lamang sa kapisang maayos at kapisan ng kasagwaan ay gaya ng tagalako ng pabangong musk at tagaihip ng bubulusan

عَنْ أَبِي مُوسَى رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّمَا مَثَلُ الْجَلِيسِ الصَّالِحِ وَالْجَلِيسِ السَّوْءِ كَحَامِلِ الْمِسْكِ وَنَافِخِ الْكِيرِ، فَحَامِلُ الْمِسْكِ: إِمَّا أَنْ يُحْذِيَكَ، وَإِمَّا أَنْ تَبْتَاعَ مِنْهُ، وَإِمَّا أَنْ تَجِدَ مِنْهُ رِيحًا طَيِّبَةً، وَنَافِخُ الْكِيرِ: إِمَّا أَنْ يُحْرِقَ ثِيَابَكَ، وَإِمَّا أَنْ تَجِدَ رِيحًا خَبِيثَةً».

Ayon kay Abū Mūsā (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Ang paghahalintulad lamang sa kapisang maayos at kapisan ng kasagwaan ay gaya ng tagalako ng pabangong musk at tagaihip ng bubulusan. Ang tagalako ng musk ay maaari na mag-aginaldo sa iyo, maaari na bumili ka mula sa kanya, at maaari na makaamoy ka mula sa kanya ng isang kaaya-ayang halimuyak samantalang ang tagaihip ng bubulusan ay maaari na makasunog ng mga damit mo at maaari na makaamoy ka ng isang karima-rimarim na halimuyak."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Muslim - 2628

Ang Pagbibigay-linaw

Naglahad ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng paghahalintulad ng dalawang uri ng mga tao:
Ang Unang Uri: Ang kapisan at kaibigang maayos na gumagabay tungo kay Allāh at sa anumang naroon ang pagkalugod Niya at tumutulong sa pagtalima. Kaya ang paghahalintulad sa kanya ay gaya ng tagapagtinda ng musk: maaari na magbigay sa iyo, maaari na makabili ka mula sa kanya, at maaari na makaamoy ka at makasamyo ka mula sa kanya ng isang kaaya-ayang halimuyak.
Ang Ikalawang Uri: Ang kapisan at kaibigan sa kasagwaan na bumabalakid sa landas ni Allāh at tumutulong sa paggawa ng mga pagsuway. Makakikita ka mula sa kanya ng pangit na gawain at papatungkol sa iyo ang pagpula dahil sa pakikisama at pakikipisan sa tulad niya. Kaya ang paghahalintulad sa kanya ay gaya ng panday na umiihip ng apoy niya: maaari na masunog ang mga damit mo mula sa nagliliparang tilamsik nito o makaamoy ka mula sa malapit sa kanya ng isang karimarimarim na halimuyak.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang pagpayag sa paglalahad ng mga paghahalintulad para sa pagpapalapit ng kahulugan sa tagadinig.
  2. Ang paghimok at ang pagpapaibig sa pakikipisan sa mga alagad ng pagtalima at kaayusan at pag-iwas sa mga alagad ng katiwalian at mga kampon ng masagwang kaasalan.

Ang Paglalahad ng mga Salin

56 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
BN বাংলা البنغالية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча القيرقيزية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá اليوروبا
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan الأذربيجانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية