عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المؤمنين رضي الله عنها قَالَتْ:
كَانَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ إِذَا اغْتَسَلَ مِنَ الجَنَابَةِ، غَسَلَ يَدَيْهِ، وَتَوَضَّأَ وُضُوءَهُ لِلصَّلاَةِ، ثُمَّ اغْتَسَلَ، ثُمَّ يُخَلِّلُ بِيَدِهِ شَعَرَهُ، حَتَّى إِذَا ظَنَّ أَنَّهُ قَدْ أَرْوَى بَشَرَتَهُ، أَفَاضَ عَلَيْهِ المَاءَ ثَلاَثَ مَرَّاتٍ، ثُمَّ غَسَلَ سَائِرَ جَسَدِهِ، وَقَالَتْ: كُنْتُ أَغْتَسِلُ أَنَا وَرَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ مِنْ إِنَاءٍ وَاحِدٍ، نَغْرِفُ مِنْهُ جَمِيعًا.
[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 272]
المزيــد ...
Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag naligo siya dahil sa janābah, ay naghuhugas ng mga kamay niya at nagsasagawa ng wuḍū' niya para sa ṣalāh, pagkatapos naliligo, pagkatapos nagsisingit ng kamay niya sa buhok niya. Hanggang sa kapag nakapagpalagay siya na siya ay nakabasa na ng anit nito, nagbubuhos naman siya rito ng tubig nang tatlong ulit, pagkatapos naghuhugas siya ng nalalabi sa katawan niya.} Nagsabi pa ito: {Naliligo noon ako at ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lalagyan [ng tubig], na sumasalok kami mula rito nang magkasama.}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 272]
Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag nagnais siyang maligo dahil sa janābah, ay nagsisimula sa paghuhugas ng mga kamay niya. Pagkatapos nagsasagawa siya ng wuḍū' kung paanong nagsasagawa siya ng wuḍū' para sa ṣalāh. Pagkatapos nagbubuhos siya ng tubig sa katawan niya. Pagkatapos nagsisingit siya [ng mga daliri] ng mga kamay niya sa buhok ng ulo niya; hanggang sa kapag nagpalagay siya na nakaabot ang tubig sa mga tinutubuan ng buhok at nabasa ang anit, nagbubuhos naman siya ng tubig sa ulo niya nang tatlong ulit, pagkatapos naghuhugas siya ng nalalabi sa katawan niya. Nagsabi si `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Naliligo noon ako at ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) mula sa iisang lalagyan [ng tubig], na sumasalok kami mula rito nang magkasama.}