عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ رَضِيَ اللهُ عَنْهُمَا قَالَ:
كَانَ النَّبِيُّ صَلَّى اللهُ عَليهِ وَسَلَّمَ لا يَعْرِفُ فَصْلَ السُّورةِ حَتَّى تَنْزِلَ عَليْهِ {بِسْمِ اللَّهِ الرَّحْمَنِ الرَّحِيمِ}.
[صحيح] - [رواه أبو داود] - [سنن أبي داود: 788]
المزيــد ...
Ayon sa Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na nagsabi:
{Dati, ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay hindi nakaaalam sa paghihiwalay ng kabanata [ng Qur'ān] hanggang sa bumaba sa kanya ang Bismi –llāhi –rraḥmāni –rraḥīm (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain).}
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Abū Dāwud] - [سنن أبي داود - 788]
Naglilinaw ang Anak ni `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa) na ang mga kabanata ng Marangal na Qur'ān ay bumababa noon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) at hindi siya nakaaalam ng pagkahiwalay ng mga ito at pagkawakas ng mga ito hanggang sa bumaba sa kanya ang Bismi –llāhi –rraḥmāni –rraḥīm (Sa ngalan ni Allāh, ang Napakamaawain, ang Maawain) para malaman niya na ang naunang kabanata ay nagwakas na at na ito ay simula ng isang bagong kabanata.