عَنْ أَبِي مُوسَى رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:

«إِنَّ اللهَ عَزَّ وَجَلَّ يَبْسُطُ يَدَهُ بِاللَّيْلِ لِيَتُوبَ مُسِيءُ النَّهَارِ، وَيَبْسُطُ يَدَهُ بِالنَّهَارِ لِيَتُوبَ مُسِيءُ اللَّيْلِ، حَتَّى تَطْلُعَ الشَّمْسُ مِنْ مَغْرِبِهَا».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Mūsa `Abdullāh bin Qays Al-Ash`arīy, malugod si Allāh sa kanya: "Tunay na si Allāh ay nag-aabot ng kamay Niya sa gabi upang magbalik-loob ang gumawa ng masagwa sa maghapon at nag-aabot ng kamay Niya sa maghapon upang magbalik-loob ang gumawa ng masagwa sa gabi, hanggang sa sumikat ang araw mula sa kanluran nito."
Tumpak. - Nagsalaysay nito si Imām Muslim.

Ang pagpapaliwanag

Tunay na si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay tumatanggap sa pagbabalik-loob kahit pa man nahuli. Kaya kapag nagkasala ang tao ng isang pagkakasala sa maghapon, tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay tatanggap sa pagbabalik-loob nito kahit pa man nagbalik-loob ito sa gabi; at gayon din kapag nagkasala ang tao ng isang pagkakasala sa gabi, tunay na si Allāh, pagkataas-taas Niya, ay tatanggap sa pagbabalik-loob nito kahit pa man nagbalik-loob ito sa maghapon, hanggat hindi sumisikat ang araw mula sa kanluran nito, na kabilang sa mga pinakamalaking tanda ng Huling Sandali.

الملاحظة
Sangat baik
النص المقترح Pengajuan menjadi anggota

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano الهندية السنهالية الكردية الهوسا البرتغالية الدرية
Paglalahad ng mga salin

Mga kahulugan ng mga salita