+ -

عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المؤْمِنينَ رَضِيَ اللهُ عَنْهَا:
كَانَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَجْتَهِدُ فِي الْعَشْرِ الْأَوَاخِرِ مَا لَا يَجْتَهِدُ فِي غَيْرِهِ.

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 1175]
المزيــد ...

Ayon kay `Ā'ishah na Ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya):
{Ang Sugo ni Allāh noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsisipag sa huling sampung araw [ng Ramaḍān] ng hindi niya ipinagsisipag sa iba pa rito.}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 1175]

Ang pagpapaliwanag

Ang Propeta noon (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kapag dumating ang huling sampung araw ng Ramaḍān, ay nagsisipag sa mga ito sa pagsamba at pagtalima at nagpapalabis sa mga uri ng mga kabutihan at mga klase ng mga pagsasamabuting-loob at mga pagsamba higit kaysa sa pagsisipag niya sa iba rito. Iyon ay dahil sa kadakilaan at kainaman ng mga gabing iyon at dala ng paghahangad sa Gabi ng Pagtatakda.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية النيبالية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa pagpaparami ng pagsasamabuting-loob at mga uri ng mga pagtalima sa buwan ng Ramaḍān, sa pangkalahatan, at huling sampung araw nito, lalo na.
  2. Ang huling sampung araw ng Ramaḍān ay nagsisimula sa gabi ng ika-21 hanggang sa wakas ng buwan.
  3. Ang pagsasakaibig-ibig ng pagsamantala ng mga mainam na oras ng paggawa ng mga pagtalima.