1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth tunay na iyon ay [pagdurugo ng] isang ugat subalit tumigil ka sa pagdarasal ayon sa mga araw na ikaw dati ay nagreregla sa mga iyon, pagkatapos maligo ka at magdasal ka."}

عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المؤمنين رضي الله عنها أَنَّ فَاطِمَةَ بِنْتَ أَبِي حُبَيْشٍ سَأَلَتِ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَتْ:

إِنِّي أُسْتَحَاضُ فَلاَ أَطْهُرُ، أَفَأَدَعُ الصَّلاَةَ؟ فَقَالَ: «لَا، إِنَّ ذَلِكِ عِرْقٌ، وَلَكِنْ دَعِي الصَّلاَةَ قَدْرَ الأَيَّامِ الَّتِي كُنْتِ تَحِيضِينَ فِيهَا، ثُمَّ اغْتَسِلِي وَصَلِّي».

Ayon kay `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya): {Si Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh ay nagtanong sa Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan). Nagsabi ito:
"Tunay na ako ay nagdurugo kaya hindi ako nadadalisay. Kaya titigil po ba ako sa pagdarasal?" Nagsabi siya: "Hindi; tunay na iyon ay [pagdurugo ng] isang ugat subalit tumigil ka sa pagdarasal ayon sa mga araw na ikaw dati ay nagreregla sa mga iyon, pagkatapos maligo ka at magdasal ka."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 325

Ang Pagbibigay-linaw

Tinanong ni Fāṭimah bint Abī Ḥubaysh ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) sapagkat nagsabi siya: "Tunay na ako ay hindi hinihintuan ng pagdurugo at nagpapatuloy ito hanggang sa hindi panahon ng pagreregla. Kaya ang hatol kaya niyon ay ang hatol ng regla para tumigil ako sa pagsasagawa ng ṣalāh?" Kaya nagsabi sa kanya ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na iyon ay dugo ng istiḥāḍah." Ito ay dugo ng karamdamang namumutawi buhat sa pagkaputol ng isang ugat sa sinapupunan at hindi dugo ng regla. Kapag dumating ang panahon ng regla na ikaw dati ay nagreregla ayon sa buwanang dalaw mo bago ka magkasakit ng istiḥāḍah, itigil mo ang ṣalāh, ang pag-aayuno, at ang iba pa sa dalawang ito kabilang sa gawaing pinipigilan dito ang nagreregla sa panahon ng regla. Kapag nagwakas naman ang sukat ng yugtong iyon, ikaw ay magiging nadalisay na sa pagreregla. Kaya hugasan mo ang kinalalagyan ng dugo, pagkatapos paliguan mo ang katawan mo sa isang kumpletong pagpaligo para mapawi ang ḥadath, pagkatapos magsagawa ka ng ṣalāh.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang pagkakinakailangan ng pagpaligo sa babae sa sandali ng pagwawakas ng mga araw ng regla niya.
  2. Ang pagkakinakailangan ng pagsasagawa ng ṣalāh sa babaing may istiḥāḍah.
  3. Ang regla ay likas na dugong inilalabas ng sinapupunan sa pamamagitan ng ari ng babaing adulto, na dumapo sa kanya sa mga nalalamang araw.
  4. Ang istiḥāḍah ay ang pagdaloy ng dugo sa hindi oras nito mula sa pinakamalapit na bahagi ng sinapupunan, hindi sa kailaliman nito.
  5. Ang kaibahan sa pagitan ng dugo ng regla at dugo ng istiḥāḍah ay na ang dugo ng regla ay itim na malapot na masangsang ang amoy samantalang ang dugo ng istiḥāḍah ay pula na malabnaw na walang amoy na masangsang.

Ang Paglalahad ng mga Salin

59 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча القيرقيزية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá اليوروبا
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan الأذربيجانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
BM Bambara البامبارية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية
Ang mga Kategorya