+ -

عَنْ ‌أُبَيِّ بْنِ كَعْبٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«يَا أَبَا الْمُنْذِرِ، أَتَدْرِي أَيُّ آيَةٍ مِنْ كِتَابِ اللهِ مَعَكَ أَعْظَمُ؟» قَالَ: قُلْتُ: اللهُ وَرَسُولُهُ أَعْلَمُ. قَالَ: «يَا أَبَا الْمُنْذِرِ، أَتَدْرِي أَيُّ آيَةٍ مِنْ كِتَابِ اللهِ مَعَكَ أَعْظَمُ؟» قَالَ: قُلْتُ: {اللهُ لا إِلَهَ إِلا هُوَ الْحَيُّ الْقَيُّومُ} [البقرة: 255]. قَالَ: فَضَرَبَ فِي صَدْرِي، وَقَالَ: «وَاللهِ لِيَهْنِكَ الْعِلْمُ، أَبَا الْمُنْذِرِ».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 810]
المزيــد ...

Ayon kay Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"O Ama ni Al-Mundhir, nakaaalam ka ba kung aling talata mula sa Aklat ni Allāh na nasa iyo ang higit na dakila?" Nagsabi ito: "Nagsabi ako: Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maalam." Nagsabi siya: "O Ama ni Al-Mundhir, nakaaalam ka ba kung aling talata mula sa Aklat ni Allāh na nasa iyo ang higit na dakila?" Nagsabi ito: "Nagsabi ako: {Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili...} (Qur'ān 2:255) Kaya tumapik siya sa dibdib ko at nagsabi: "Sumpa man kay Allāh, talagang magpapaigaya sa iyo ang kaalaman, O Ama ni Al-Mundhir."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 810]

Ang pagpapaliwanag

Nagtanong ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kay Ubayy bin Ka`b tungkol sa pinakadakilang talata sa Aklat ni Allāh kaya nag-atubili ito sa pagsagot. Pagkatapos nagsabi ito: "Ito ay ang Ayatulkursīy: {Si Allāh, walang Diyos kundi Siya, ang Buháy, ang Mapagpanatili. ...}," saka umayuda naman dito ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan). Tumapik ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa dibdib nito bilang pagpapahiwatig ng pagkapuno nito ng kaalaman at karunungan at dumalangin siya para rito na lumigaya ito dahil sa kaalamang iyon at magpagaan iyon para rito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Burmese Thailand Aleman Pushto Asami Albaniyano السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية الطاجيكية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Italiyano Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف البلغارية Luqadda Asariga اليونانية الأوزبكية الأوكرانية الجورجية اللينجالا المقدونية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Dakilang reputasyon ni Ubayy bin Ka`b (malugod si Allāh sa kanya).
  2. Ang Ayatulkursīy ay pinakadakilang talata sa Aklat ni Allāh (napakataas Siya). Kaya naman nararapat ang pagsasaulo nito, ang pagbubulay-bulay sa mga kahulugan nito, at ang paggawa ayon dito.