عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَنْ تَوَضَّأَ فَأَحْسَنَ الْوُضُوءَ ثُمَّ أَتَى الْجُمُعَةَ فَاسْتَمَعَ وَأَنْصَتَ غُفِرَ لَهُ مَا بَيْنَهُ وَبَيْنَ الْجُمُعَةِ وَزِيَادَةُ ثَلَاثَةِ أَيَّامٍ، وَمَنْ مَسَّ الْحَصَى فَقَدْ لَغَا».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 857]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpahusay sa pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos pumunta sa [ṣalāh sa] Biyernes saka nakinig at nanahimik, patatawarin para sa kanya ang [kasalanang] nasa pagitan niya at ng Biyernes, at may karagdagan ng tatlong araw. Ang sinumang sumaling ng mga munting bato ay naglilikot nga."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 857]
Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpahusay sa pagsasagawa ng wuḍū' niya sa pamamagitan ng paglubos sa mga haligi nito at pagsasagawa ng mga sunnah nito at mga etiketa nito, pagkatapos pumunta sa ṣalāh sa Biyernes, tumahimik, nakinig sa khaṭīb, at nanahimik, magpapatawad si Allāh sa kanya sa maliliit sa mga pagkakasala nang sampung araw: mula sa ṣalāh sa Biyernes hanggang sa kasunod na Biyernes at may karagdagan ng tatlong araw dahil ang magandang gawa ay tinutumbasan ng sampung tulad nito. Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa kawalan ng pagtuon ng puso sa sinasabi sa khuṭbah na mga pangaral at laban sa pangangalikot ng mga bahagi ng katawan gaya ng paghipo ng bato o iba pa rito kabilang sa mga uri ng pangangalikot at pagkaabala sa iba, na ang sinumang gumawa niyon ay naglilikot nga. Ang sinumang naglilikot ay walang bahagi sa kanya sa pabuya sa buong Biyernes.