كُنَّا عِنْدَ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، تِسْعَةً أَوْ ثَمَانِيَةً أَوْ سَبْعَةً، فَقَالَ: «أَلَا تُبَايِعُونَ رَسُولَ اللهِ؟» وَكُنَّا حَدِيثَ عَهْدٍ بِبَيْعَةٍ، فَقُلْنَا: قَدْ بَايَعْنَاكَ يَا رَسُولَ اللهِ، ثُمَّ قَالَ: «أَلَا تُبَايِعُونَ رَسُولَ اللهِ؟» فَقُلْنَا: قَدْ بَايَعْنَاكَ يَا رَسُولَ اللهِ، ثُمَّ قَالَ: «أَلَا تُبَايِعُونَ رَسُولَ اللهِ؟» قَالَ: فَبَسَطْنَا أَيْدِيَنَا وَقُلْنَا: قَدْ بَايَعْنَاكَ يَا رَسُولَ اللهِ، فَعَلَامَ نُبَايِعُكَ؟ قَالَ: «عَلَى أَنْ تَعْبُدُوا اللهَ وَلَا تُشْرِكُوا بِهِ شَيْئًا، وَالصَّلَوَاتِ الْخَمْسِ، وَتُطِيعُوا -وَأَسَرَّ كَلِمَةً خَفِيَّةً- وَلَا تَسْأَلُوا النَّاسَ شَيْئًا» فَلَقَدْ رَأَيْتُ بَعْضَ أُولَئِكَ النَّفَرِ يَسْقُطُ سَوْطُ أَحَدِهِمْ، فَمَا يَسْأَلُ أَحَدًا يُنَاوِلُهُ إِيَّاهُ. المزيد
Ayon kay Abū Muslim Al-Khawlānīy na nagsabi: Nagsanaysay sa akin ang kaibig-ibig na mapagkakatiwalaan, yayamang siya ay kaibig-ibig sa akin at yayamang siya sa ganang akin ay mapagkakatiwalaan, si `Awf bin Mālik Al-Ashaja`īy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Kami minsan sa piling ng Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay siyam o walo o pito, saka nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allāh?" Kami noon ay mga bagong nangako ng katapatan kaya nagsabi kami: "Nangako na kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allāh." Kaya nagsabi kami: "Nangako na kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh." Pagkatapos nagsabi siya: "Hindi ba kayo mangangako ng katapatan sa Sugo ni Allāh." Pagkatapos nagsabi ito: "Kaya nag-abot kami ng mga kamay namin at nagsabi kami: 'Nangako na kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh. Kaya sa ano pa kami mangangako ng katapatan sa iyo?'" Nagsabi siya: "Sa [pangako] na sumamba kayo kay Allāh, hindi kayo magtambal sa Kanya ng anuman, [magpanatili kayo] sa limang pagdarasal, tumalima kayo," – at naglihim siya ng isang mahinang pangungusap – "at hindi kayo manghingi sa tao ng anuman." Kaya talaga ngang nakakita ako sa isa sa mga taong iyon na nalalaglag ang latigo ng isa sa kanila ngunit hindi siya humihiling sa isa man na mag-aabot ito niyon sa kanya."}