عَنْ أَبِي الدَّرْدَاءِ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ النَّبِيُّ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:

«أَلاَ أُنَبِّئُكُمْ بِخَيْرِ أَعْمَالِكُمْ، وَأَزْكَاهَا عِنْدَ مَلِيكِكُمْ، وَأَرْفَعِهَا فِي دَرَجَاتِكُمْ وَخَيْرٌ لَكُمْ مِنْ إِنْفَاقِ الذَّهَبِ وَالوَرِقِ، وَخَيْرٌ لَكُمْ مِنْ أَنْ تَلْقَوْا عَدُوَّكُمْ فَتَضْرِبُوا أَعْنَاقَهُمْ وَيَضْرِبُوا أَعْنَاقَكُمْ؟» قَالُوا: بَلَى. قَالَ: «ذِكْرُ اللهِ تَعَالَى».
[صحيح] - [رواه الترمذي وأحمد وابن ماجه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Ad-Dardā’, malugod si Allah sa kanya, na nagsabi: "Nagsabi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: Hindi ba ako magbabalita sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawa ninyo, ng pinakadalisay sa mga ito sa ganang May-ari ninyo, pinakaangat sa mga ito sa mga antas ninyo, higit na mabuti para sa inyo kaysa sa paggugol ng ginto at pilak, at higit na mabuti para sa inyo kaysa sa makatagpo ninyo ang mga kaaway ninyo at tagain ninyo ang mga leeg nila at tagain nila ang mga leeg ninyo?" Nagsabi sila: Opo. Nagsabi siya: "Ang pag-alaala kay Allah, pagkataas-taas Niya."
Tumpak. - Isinalaysay ito ni Imām Ibnu Mājah

Ang pagpapaliwanag

Nagsabi ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan: "Hindi ba ako magpapabatid sa inyo hinggil sa pinakamabuti sa mga gawa ninyo, pinakamarami sa mga ito sa gantimpala, pinakadalisay sa mga ito sa ganang Panginoon ninyo, pinakamarami sa mga ito sa pag-aangat sa mga antas ninyo, higit na mabuti para sa inyo kaysa sa gumugol kayo ng ginto at pilak alang-alang sa landas ni Allah, at higit na mabuti para sa inyo kaysa sa makatagpo ninyo ang mga Kāfir sa larangan ng digmaan at tagain ninyo ang mga leeg nila upang itaas ang salita ni Allah, pagkataas-taas Niya. Nagsabi ang mga kasamahan niya: "Opo, o Sugo ni Allah." Nagsabi siya: "Ang pag-alaala kay Allah, pagkataas-taas Niya."

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano الهندية الفيتنامية السنهالية الأيغورية الكردية الهوسا البرتغالية السواحيلية الدرية
Paglalahad ng mga salin

Mga kahulugan ng mga salita