1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth ang pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa sa ganang kay Allāh sa Araw ng Pagbangon ay ang mga nagtutulad sa nilikha ni Allāh

عَنْ عَائِشَةَ أُمِّ المُؤمنينَ رضي الله عنها قَالَتْ:

دَخَلَ عَلَيَّ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ، وَقَدْ سَتَرْتُ سَهْوَةً لِي بِقِرَامٍ فِيهِ تَمَاثِيلُ، فَلَمَّا رَآهُ هَتَكَهُ وَتَلَوَّنَ وَجْهُهُ وَقَالَ: «يَا عَائِشَةُ، أَشَدُّ النَّاسِ عَذَابًا عِنْدَ اللهِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ الَّذِينَ يُضَاهُونَ بِخَلْقِ اللهِ» قَالَتْ عَائِشَةُ: «فَقَطَعْنَاهُ فَجَعَلْنَا مِنْهُ وِسَادَةً أَوْ وِسَادَتَيْنِ».

Ayon kay `Ā'ishah na ina ng mga mananampalataya (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{Pumasok sa kinaroroonan ko ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) noong nagtabing ako ng isang estante ko na may isang kurtinang may mga imahen. Kaya noong nakita niya ito, pinunit niya ito. Nag-ibang-kulay ang mukha niya at nagsabi siya: "O `Ā'ishah, ang pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa sa ganang kay Allāh sa Araw ng Pagbangon ay ang mga nagtutulad sa nilikha ni Allāh." Nagsabi si `Ā'ishah: "Kaya pinutol namin ito saka gumawa kami mula rito ng isang unan o dalawang unan."}

Tumpak Nagkasang-ayon sa katumpakan nito Ṣaḥīḥ Muslim - 2107

Ang Pagbibigay-linaw

Pumasok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa bahay niya sa kinaroroonan ni `Ā'ishah (malugod si Allāh sa kanya) saka natagpuan niya ito na nagtabing nga sa maliit na lagayan, na pinaglalagyan ng mga bagay-bagay, na may isang tela rito na may mga larawan ng mga may kaluluwa kaya nag-iba ang kulay ng mukha niya dala ng pagkagalit para kay Allāh. Inalis niya ito at sinabi: "Ang pinakamatindi sa mga tao sa pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay ang mga nakikiwangis sa pamamagitan ng mga paglalarawan nila sa nilikha ni Allāh." Nagsabi si `Ā'ishah: "Kaya gumawa kami rito ng isang unan o dalawang unan."

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang pagmamasama sa nakasasama sa oras ng pagkita rito at ang hindi pag-aantala roon hanggat doon ay walang kasiraang higit na malaki.
  2. Ang pagdurusa sa Araw ng Pagbangon ay nagkakaibahan alinsunod sa bigat ng pagdurusa.
  3. Ang pagsasalarawan ng mga may kaluluwa ay kabilang sa malalaki sa mga pagkakasala.
  4. Kabilang sa mga kasanhian ng pagbabawal sa pagsasalarawan ang pagtulad sa nilikha ni Allāh (napakataas Siya), maging nagpakay man ang tagapagsalarawan ng pagtulad o hindi siya nagpakay.
  5. Ang sigasig ng Palabatasan ng Islām sa pag-iingat sa mga ari-arian sa pamamagitan ng pagpapabenepisyo mula sa mga ito matapos ng pagpapaiwas sa mga ito sa ipinagbabawal sa mga ito.
  6. Ang pagpigil sa pagyari ng mga larawan ng mga may kaluluwa sa alinmang porma, kahit pa man ang mga ito ay isang hinahamak.

Ang Paglalahad ng mga Salin

58 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча القيرقيزية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá اليوروبا
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
IT Italiano الإيطالية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan الأذربيجانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية
Ang mga Kategorya