عَنْ أَبِي الحَوْرَاءِ السَّعْدِيِّ قَالَ: قُلْتُ لِلْحَسَنِ بْنِ عَلِيٍّ رضي الله عنهما: مَا حَفِظْتَ مِنْ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ؟ قَالَ: حَفِظْتُ مِنْ رَسُولِ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«دَعْ مَا يَرِيبُكَ إِلَى مَا لاَ يَرِيبُكَ، فَإِنَّ الصِّدْقَ طُمَأْنِينَةٌ، وَإِنَّ الكَذِبَ رِيبَةٌ».
[صحيح] - [رواه الترمذي والنسائي وأحمد] - [سنن الترمذي: 2518]
المزيــد ...
Ayon kay Abu Al-Ḥawzā' As-Sa`dīy na nagsabi: {Nagsabi ako kay Al-Ḥasan bin Alīy (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): "Ano ang naisaulo mo mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan)?" Nagsabi ito: "Naisaulo ko mula sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
Iwan mo ang nagpapaalinlangan sa iyo patungo sa hindi nagpapaalinlangan sa iyo sapagkat tunay na ang katapatan ay kapanatagan at tunay na ang kasinungalingan ay pag-aalinlangan."}
[Tumpak] - - [سنن الترمذي - 2518]
Nag-utos ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng pag-iwan ng nagpapaduda kabilang sa mga sinasabi at mga ginagawa – kung ito ba ay sinasaway o hindi, kung ito ba ay bawal o pinahihintulutan – tungo sa walang duda roon kabilang sa anumang nakapagtiyak ka sa kagandahan nito o pagkaipinahihintulot nito. Tunay na ang puso ay napapanatag doon at natatahimik. Ang anumang may pag-aalinlangan, nababagabag ang puso roon at naliligalig.