عن تَميم الداري رضي الله عنه ، قال: سمعتُ رسول الله صلى الله عليه وسلم يقول: «ليَبْلغنَّ هذا الأمرُ ما بلغ الليلُ والنهارُ، ولا يترك اللهُ بيت مَدَر ولا وَبَر إلا أدخله الله هذا الدين، بعِزِّ عزيز أو بذُلِّ ذليل، عزا يُعِزُّ الله به الإسلام، وذُلا يُذل الله به الكفر» وكان تميم الداري، يقول: قد عرفتُ ذلك في أهل بيتي، لقد أصاب مَن أسلم منهم الخير والشرف والعز، ولقد أصاب من كان منهم كافرا الذل والصَّغَار والجِزية.
[صحيح] - [رواه أحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Tamem Adda`rie-malugod si Allah sa kanya-ay nagsabi;Narinig ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na nagsasabi; (( Tunay na lalaganap ang kautusang ito,tulad nang paglaganap ng gabi at araw,at hindi iiwanan ni Allah ang mga bahay sa Lungsod at mga bahay sa disyerto maliban sa ipapasok ni Allah sa Relihiyong ito,na may Karangalan na napakarangal o kahihiyan na kasuklam-suklam,Karangalan na ipaparangal ni Allah rito ang Islam,at Kahihiyan na kasusuklaman rito ni Allah ang walang pananampalataya.)) At si Tameem Adda`rie ay nagsasabi; Napag-alaman kona ito sa mga nananahanan sa aking bahay,Tunay na sinumang yumakap sa Islam na dumanas nang kabutihan,mataas na reputasyon at karangalan,at tunay na sinumang natanggi sa pananampalataya na dumanas nang Kahihiyan at pagkaliit at pagbayad ng buwis.
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Ipinapaalam ng Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na ang relihiyong ito ay lalaganap sa buong bahagi ng Mundo,Sa kahit saang lugar na dumarating rito ang gabi at araw ay darating rito ang Relihiyong Islam,At hindi iiwanan ni Allah-Pagkataas-taas Niya ang kahit isang lamang bahay sa Lungsod at Nayon,at sa mga bundok at disyerto,hanggang sa maipasok Niya dito ang Relihiyong Islam,Sinuman ang yumakap sa relihiyong ito at nanampalataya rito,tunay na siya ay magiging marangal dahil sa karangalan ng Islam,at sinuman ang tumanggi rito at hindi naniwala rito,tunay na siya ay magiging kasuklam-suklam at kahiya-hiya.At ipinapaalam ng isang kagalang-galang na kasamahan ng Propeta na si Tameem Adda-rie sa Hadith na ito,na napatunayan niya,ang sinabing ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mga nananahanan sa bahay niya mismo.Katotohanang sa sinumang yumakap sa Islam sa kanila ay nagkamit ng kabutihan mataas na reputasyon at karangalan,at sa sinumang hindi naniwala sa kanila ay nagkamit ng kahihiyan at pagkasuklam at kasama pa rito ang pagbabayad nila sa mga Muslim mula sa mga yaman (nila).