+ -

عن أبي عبد الله عثمان بن أبي العاص رضي الله عنه : أنه شكا إلى رسول الله صلى الله عليه وسلم وَجَعاً، يجده في جسده، فقال له رسول الله صلى الله عليه وسلم : «ضعْ يدك على الذي يَألم مِن جَسَدِك وقُل: بسم الله ثلاثا، وقُل سبعَ مرات: أعوذُ بعزة الله وقُدرتِه من شَرِّ ما أجد وأُحاذر».
[صحيح] - [رواه مسلم، ولفظة: "بعزة" رواها مالك]
المزيــد ...

Ayon kay Abū `Abdillāh `Uthmān bin Abī Al-`Āṣṣ, malugod si Allah sa kanya: Siya ay dumaing sa Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ng kirot na nadarama niya sa katawan niya kaya nagsabi sa kanya ang Sugo ni Allah: "Ilagay mo ang kamay mo sa sumasakit sa katawan mo, magsabi ka ng Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allah) nang tatlong ulit, at magsabi ka nang pitong ulit ng A`ūdhu bi`izzati -llāhi wa qudratihi min sharri mā ajidu wa uḥadhir (Nagpapakupkop ako sa kapangyarihan ni Allah at kakayahan Niya laban sa kasamaan ng anumang natatagpuan ko at pinangingilagan ko)."
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Mālik - Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ang ḥadīth ayon kay [Abū `Abdillāh] `Uthmān bin Abī Al-`Āṣṣ, na ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay tinanong ni `Uthmān, na ito ay dumaraing ng sakit sa katawan nito. Inutusan ito ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na magsabi ng panalanging ito: Bismi -llāh (Sa ngalan ni Allah) nang tatlong ulit at ilalagay nito ang kamay nito sa kinalalagayan ng sakit. Pagkatapos ay magsasabi ito ng A`ūdhu bi`izzati -llāhi wa qudratihi min sharri mā ajidu wa uḥadhir (Nagpapakupkop ako sa kapangyarihan ni Allah at kakayahan Niya laban sa kasamaan ng anumang natatagpuan ko at pinangingilagan ko). Sinasabi ito nang pitong ulit. Kapag sinabi ito nang nakatitiyak sa bisa nito, sumasampalataya dito, at na makikinabang dito, huhupa ang sakit ayon sa kapahintulutan ni Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Ito ay higit na mabisa kaysa sa pisikal na gamot gaya ng mga tabletas, sirup, at iniksyon dahil ikaw ay nagpapakupkop sa Kanya, na nasa kamay Niya ang paghahari sa mga langit at lupa. Ang nagpadala ng karamdaman na ito ay siya ang magsasanggalang sa iyo laban dito. Ang utos niya na ilagay ang kamay sa kinalalagayan ng pananakit, ito ay isang utos lamang sa layong magturo at gumabay sa kung ano ang mapakikinabangan sa paglalagay ng kamay ng rāqī (nanggagamot sa pamamagitan ng panalangin) sa maysakit at pagpunas niya ng kamay niya. HIndi nararapat sa rāqī na lumihis doon sa pagpupunas sa pamamagitan ng bakal, asin, at iba pa sapagkat hindi ito ginawa ng Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ni ng mga kasamahan niya.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Thailand Aleman Pushto Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الرومانية
Paglalahad ng mga salin