+ -

عَنْ سَلْمَانَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«إِنَّ رَبَّكُمْ حَيِيٌّ كَرِيمٌ، يَسْتَحْيِي مِنْ عَبْدِهِ إِذَا رَفَعَ يَدَيْهِ إِلَيْهِ أَنْ يَرُدَّهُمَا صِفْرًا».

[حسن] - [رواه أبو داود والترمذي وابن ماجه] - [سنن أبي داود: 1488]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Salmān (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Tunay na ang Panginoon ninyo ay mahiyain, mapagbigay, na nahihiya sa lingkod Niya, kapag nag-angat ito ng dalawang kamay nito sa Kanya, na magbigay sa dalawang ito ng wala."}

[Maganda] - - [سنن أبي داود - 1488]

Ang pagpapaliwanag

Humihimok ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa pag-angat ng mga kamay sa sandali ng pagdalangin. Nagpabatid siya na si Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) ay "mahiyain" na madalas ang pagkahiya. Hindi nagwawaksi si Allāh ng pagbibigay. Gumagawa Siya sa tao ng nagpapagalak dito at nagwawaksi Siya ng nakapipinsala rito. Siya ay "mapagbigay" na nagbibigay nang walang paghingi, kaya papaano na matapos manghingi? Nahihiya Siya sa lingkod Niyang mananampalataya na matapos mag-angat sa panalangin ng dalawang kamay nito na magbalik ng dalawang ito na bakante, walang-laman, bigo sa pagkatugon dito.

من فوائد الحديث

  1. Sa tuwing naghahayag ang tao ng pangangailangan kay Allāh (napakataas Siya) at pagpapakamananamba, siya ay magiging higit na makaaasa at higit na malapit sa pagkatugon.
  2. Ang pagpapaibig sa pagdalangin at ang pagsasakaibig-ibig ng pag-aangat ng mga kamay rito at na ito ay kabilang sa mga kadahilanan ng pagtugon.
  3. Ang paglilinaw sa lawak ng pagkamapagbigay ni Allah at awa Niya sa mga lingkod Niya.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الموري Luqadda malgaashka الأوكرانية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin