عَنِ النُّعْمَانِ بْنِ بَشِيرٍ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَثَلُ الْمُؤْمِنِينَ فِي تَوَادِّهِمْ وَتَرَاحُمِهِمْ وَتَعَاطُفِهِمْ مَثَلُ الْجَسَدِ، إِذَا اشْتَكَى مِنْهُ عُضْوٌ تَدَاعَى لَهُ سَائِرُ الْجَسَدِ بِالسَّهَرِ وَالْحُمَّى».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 2586]
المزيــد ...
Ayon kay An-Nu`mān bin Bashīr (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang paghahalintulad sa mga mananampalataya sa pagmamahalan nila, pag-aawaan nila, at pagdadamayan nila ay tulad ng katawan: kapag may dumaing mula rito na isang bahagi, magtatawagan para rito ang nalalabi sa katawan sa puyat at lagnat."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 2586]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na kinakailangan na ang kalagayan ng mga Muslim sa isa't isa sa kanila ay maging batay sa kabutihan, pagkaawa, pag-alalay, pag-aadya, at pagkaperhuwisyo sa anumang nangyayari sa kanila na kapinsalaan ay katulad ng iisang katawan: kapag may nagkasakit mula rito na isang bahagi, nakikidamayan dito ang katawan sa kabuuan nito sa puyat at lagnat.