عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللَّهِ رضي الله عنهما أَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَنْ أَكَلَ ثُومًا أَوْ بَصَلًا، فَلْيَعْتَزِلْنَا -أَوْ قَالَ: فَلْيَعْتَزِلْ- مَسْجِدَنَا، وَلْيَقْعُدْ فِي بَيْتِهِ»، وَأَنَّ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ أُتِيَ بِقِدْرٍ فِيهِ خَضِرَاتٌ مِنْ بُقُولٍ، فَوَجَدَ لَهَا رِيحًا، فَسَأَلَ فَأُخْبِرَ بِمَا فِيهَا مِنَ البُقُولِ، فَقَالَ قَرِّبُوهَا إِلَى بَعْضِ أَصْحَابِهِ كَانَ مَعَهُ، فَلَمَّا رَآهُ كَرِهَ أَكْلَهَا، قَالَ: «كُلْ فَإِنِّي أُنَاجِي مَنْ لاَ تُنَاجِي».
ولِمُسْلِمٍ عَنْ جَابِرِ بْنِ عَبْدِ اللهِ، عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ: «مَنْ أَكَلَ مِنْ هَذِهِ الْبَقْلَةِ، الثُّومِ - وقَالَ مَرَّةً: مَنْ أَكَلَ الْبَصَلَ وَالثُّومَ وَالْكُرَّاثَ فَلَا يَقْرَبَنَّ مَسْجِدَنَا، فَإِنَّ الْمَلَائِكَةَ تَتَأَذَّى مِمَّا يَتَأَذَّى مِنْهُ بَنُو آدَمَ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 855]
المزيــد ...
Ayon kay Jābir bin `Abdillāh (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang sinumang kumain ng bawang o sibuyas ay magpakalayu-layo siya sa amin." – o nagsabi: "ay magpakalayu-layo siya" – "sa masjid namin at manatili siya sa bahay niya."} Ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay dinalhan ng isang kaldero na may mga gulay mula sa mga legumbre. Nakatagpo siya rito ng isang amoy kaya nagtanong siya. Nagpabatid sa kanya hinggil sa narito na mga legumbre kaya nagsabi siya na ilapit ito sa isa sa mga kasamahan niya na kasama niya. Noon nakita niyon ito, nasuklam iyon na kainin ito. Nagsabi siya: "Kumain ka sapagkat ako ay nakikipagniig sa kanya na hindi ka nakikipagniig."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 855]
Sumaway ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) sa sinumang kumain ng bawang o sibuyas na huwag pumunta sa masjid nang sa gayon hindi ito makaperhuwisyo sa mga kapatid nito na mga dumadalo sa ṣalāh sa konggregasyon, dahil sa amoy niyan. Iyon ay isang pagsaway ng pag-iwas sa pagpunta sa masjid hindi sa pagkain ng dalawang iyan dahil ang dalawang iyan ay kabilang sa mga pagkaing pinapayagan. Dinalhan nga ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang kalderong may mga gulay ngunit nakaamoy siya rito ng isang amoy at ipinabatid sa kanya ang narito. Tinanggihan niya ang pagkain nito. Inilapit ito sa isa sa mga Kasamahan niya upang kumain mula rito ngunit nasuklam iyon sa pagkain bilang pagtulad sa kanya. Noong nakita iyon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), nagsabi siya: "Kumain ka sapagkat tunay na ako ay nakikipagniig sa mga anghel sa pagsisiwalat."
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga anghel ay napeperhuwisyo sa mga masamang amoy kung paanong napeperhuwisyo ang mga tao sa mga iyon.