+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«مَنْ تَوَضَّأَ فَأَحْسَنَ الْوُضُوءَ ثُمَّ أَتَى الْجُمُعَةَ فَاسْتَمَعَ وَأَنْصَتَ غُفِرَ لَهُ مَا بَيْنَهُ وَبَيْنَ الْجُمُعَةِ وَزِيَادَةُ ثَلَاثَةِ أَيَّامٍ، وَمَنْ مَسَّ الْحَصَى فَقَدْ لَغَا».

[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 857]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpahusay sa pagsasagawa ng wuḍū', pagkatapos pumunta sa [ṣalāh sa] Biyernes saka nakinig at nanahimik, patatawarin para sa kanya ang [kasalanang] nasa pagitan niya at ng Biyernes, at may karagdagan ng tatlong araw. Ang sinumang sumaling ng mga munting bato ay naglilikot nga."}

[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 857]

Ang pagpapaliwanag

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nagsagawa ng wuḍū' saka nagpahusay sa pagsasagawa ng wuḍū' niya sa pamamagitan ng paglubos sa mga haligi nito at pagsasagawa ng mga sunnah nito at mga etiketa nito, pagkatapos pumunta sa ṣalāh sa Biyernes, tumahimik, nakinig sa khaṭīb, at nanahimik, magpapatawad si Allāh sa kanya sa maliliit sa mga pagkakasala nang sampung araw: mula sa ṣalāh sa Biyernes hanggang sa kasunod na Biyernes at may karagdagan ng tatlong araw dahil ang magandang gawa ay tinutumbasan ng sampung tulad nito. Pagkatapos nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) laban sa kawalan ng pagtuon ng puso sa sinasabi sa khuṭbah na mga pangaral at laban sa pangangalikot ng mga bahagi ng katawan gaya ng paghipo ng bato o iba pa rito kabilang sa mga uri ng pangangalikot at pagkaabala sa iba, na ang sinumang gumawa niyon ay naglilikot nga. Ang sinumang naglilikot ay walang bahagi sa kanya sa pabuya sa buong Biyernes.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية الصربية الرومانية Luqadda malgaashka Luqadda kinaadiga الجورجية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang paghimok sa pagganap ng wuḍū', paglubos nito sa kakumpletuhan, at pangangalaga sa ṣalāh sa Biyernes.
  2. Ang Kainaman ng Ṣalāh sa Biyernes
  3. Ang pagkakinakailangan ng pananahimik para sa khuṭbah ng Biyernes at hindi pagpapakaabala palayo rito sa pamamagitan ng pagsasalita at iba pa.
  4. Ang sinumang naglilikot sa sandali ng khuṭbah, ang ṣalāh niya sa Biyernes ay magagantimpalaan at mag-aalis ng pananagutan sa tungkulin, kasabay ng kabawasan sa pabuya.