+ -

عن أبي سعيد الخدري رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم : «إذا شك أحَدُكم في صلاته، فلم يَدْرِ كم صلى ثلاثا أم أربعا؟ فَلْيَطْرَحِ الشك وَلْيَبْنِ على ما اسْتَيْقَنَ، ثم يسجد سجدتين قبل أن يُسَلِّمَ، فإن كان صلى خمسا شَفَعْنَ له صَلَاته، وإن كان صلى إِتْمَاماً لِأْرْبَعٍ؛ كانتا تَرْغِيمًا للشيطان».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy, malugod si Allah sa kanya.-Buhat sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-((Kapag nag-alinlangan ang isa sa inyo sa Pagdarasal niya,At hindi niya alam kong ilan ang naipagdasal niya tatlo ba o apat,Tanggalin niya ang pag-aalinlangan,at itupad niya kung ano ang pinaniniwalaan niya,Pagkatapos ay magpatirapa ng dalawang pagpapatirapa bago magsagawa ng Taslem,At kung ang naipagdasal niya ay lima,[gagawin naming] pamagitan sa kanya ang pagdarasal niya,at kung siya ay nakapagdasal ng tumpak ng apat na tindig,ang dalawang ito ay [magsisilibing] paghahamak kay Satanas))
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ipinapahayag sa Marangal na Hadith ang pamamaraan ng pakikisalamuha sa pag-aalinlangan na nanyayari sa isang Muslim sa kalagayan ng pagdarasal niya,at ito ay ang pagtupad niya kung ano ang pinaniwalaan niya,Kapag ang pag-aalinlangan ay sa bilang ng tindig,Paniwalaan niya kung ano ang pinakamaliit na bilang,pagkatapos ay magpatirapa ng dalawang beses bago magsagawa ng Taslem.Sa Hadith,Ayon kay Abe Said,Nagsabi siya:Nagsabi ang Sugo ni Allah pagpalin siya ni Allah at pangalagaan-"Kapag nag-alinlangan ang isa sa inyo sa pagdarasal niya" ibig sabihin ay:Nag-alinlangan na walang napipilian,nararapat na sa kanyang pag-aalinlangan,ay itupad niya kung ano ang pinaniniwalaan niya,"At hindi niya alam kong ilan ang naipagdasal niya tatlo ba o apat" ibig sabihin ay: halimbawa."Tanggalin niya ang pag-aalinlangan"ibig sabihin: Kung anuman ang pinag-aalinlangan niya rito kung ika-apat na tindig,",at itupad niya kung ano ang pinaniniwalaan niya," ibig sabihin ay: ang pinaniniwalaan niyang sigurado na tatlong tindig.Sa sinabi niya"Pagkatapos ay magpatirapa ng dalawang pagpapatirapa bago magsagawa ng Taslem"Ito ang pinakamainam,na ang pagpapatirapa ay gaganapin bago isagawa ang Taslem.Sa sinabi niya:"At kung ang naipagdasal niya ay lima,"Pagpapaliwanag sa pangyayaring pagpapatirapa,ibig sabihin ay:Kapag ang naipagdasal niya sa pangyayaring iyon ay apat at naging lima dahil sa pagdagdag niya rito ng isa pang ibang tindig, "[gagawin naming] pamagitan sa kanya ang pagdarasal niya" ibig sabihin : ang dalawang pagpapatirapa ay magiging pamagitan niya sa pagdarasal,dahil ang mga ito ay katumbas ng isang tindig,At ang dasal na dinadasal niya sa pinaka-una ay pares at hindi witr, dahil ito ay apat na tindig batay sa halimbawang nakasaad sa Hadith,At sa sinabi niyang:"at kung siya ay nakapagdasal ng tumpak ng apat na tindig" Kapag ang naipagdasal niya ay apat na tindig sa pangyayari,Naiganap niya ito ng walang labis at walang kulang,Sa sinabi niya: "ng dalawang ito ay [magsisilibing] paghahamak kay Satanas"ibig sabihin ay:Kapag ang naging dasal niya ay apat na tindig,"Ang dalawang ito"; ibig sabihin ay:ang dalawang pagpapatirapa ay paghahamak,ibig sabihin"Pagpapababa kay Satanas,Si Allah ang Higit na nakakaalam.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الجورجية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan