Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

Kapag nag-alinlangan ang isa sa inyo sa Pagdarasal niya,At hindi niya alam kong ilan ang naipagdasal niya tatlo ba o apat,Tanggalin niya ang pag-aalinlangan,at itupad niya kung ano ang pinaniwalaan niya,Pagkatapos ay magpatirapa ng dalawang pagpapatirapa bago magsagawa ng Taslem,At kung ang naipagdasal niya ay lima,[gagawin naming] pamagitan sa kanya ang pagdarasal niya,at kung siya ay nakapagdasal ng tumpak ng apat na tindig,ang dalawang ito ay [magsisilibing] paghahamak kay Satanas
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon `Abdullah bin Buhaynah-malugod si Allah sa kanya-at siya ay kabilang sa mga kasamahan ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-(( Na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay Nagdasal sa kanila (bilang Imam) nang Dhuhr,Tumindig siya sa unang pangalawang tindig,at hindi siya umupo,kaya`t tumindig din ang mga Tao kasama siya,hanggang sa natapos niya ang pagdarasal,at naghihintay ang mga Tao sa pagsasagawa niya ng Taslem:Nagsagawa siya ng Takbir habang siya ay naka-upo,nagpatirapa siya ng dalawang beses bago siya magsagawa ng Taslem pagkatapos ay saka, nagsagawa ng Taslem))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagdasal sa amin si Al-Mughirah bin Sha`bah,at tumayo siya sa pangalawang tindig,Nagsabi kami:Napakamaluwalhati ni Allah,Ang sabi niya:Napakamaluwalhati ni Allah,at nagpatuloy siya,At nang makompleto niya ang pagdarsal niya at nagsagawa ng Taslem,Nagpatirap siya ng dalawang pagpapatirapa na Sahwu,At nang lumabas siya,Nagsabi siya:Nakita ko ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan,gumawa tulad ng ginawa ko.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Na si Abe Hurayrah ay nagbasa sa kanila:{ Kapag ang langit ay lansag-lansag na mabiyak} nagpatirapa siya rito,at nang siya ay umalis,sinabi niya sa mga tao na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagpatirapa rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Binasa ko sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan ang " Ako si [Allah] ay nanununumpa sa Bituin,At hindi siya nagpatirapa rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Nagsabi ako sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-- Sa kabaanata ng Hajj ba ay may dalawang pagpapatirapa? Ngasabi siya: Oo,at ang sinumang hindi magpatirapa sa dalawang ito,ay huwag magbasa sa dalawang ito))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Kapag dumating sa kanya ang bagay na nakakapag-pasaya ( sa kanya) o magandang balita sa kanya lumulugmok siya sa pagpapatirapa bilang pagpapasamat sa Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ang Hadith ng may Dalawang kamay tungkol sa Pagpapatipa na Sahwu
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Abe Hurayrah -malugod si Allah sa kanya-Sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-isa sa dalawang dasal (sa pagitan ng tanghali at bago magtakip-silim),Nagsabi si Muhammad:at dumami sa pag-aakala ko na ang dasal s hapon(Al-Asr)-ay dalawang raka-ah(tindig),pagkatapos ay nagsagawa ito ng salam,pagkatapos ay tumindig siya sa isang kahoy sa harapan ng Masjid,at inilagay ang kamay niya dito,at kabilang doon sina Abu Bakar at Umar,at iginalang nilang dalawa na kausapin nila ito,at lumabas na nagmamadali ang mga tao at nagsabi sila:Pina-ikli moba ang pagdarasal? at ang isang lalaki ng tinatawag ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na (Zul-Yadayn);nagsabi siya? Nakalimutan mo o pina-ikli mo?At Nagsabi siya: Wala akong nakalimutan at wala akong pina-ikli,sinabi niya:Oo, nakalimutan mo,Nagdasal siya ng dalawang tindig pagkatapos ay nagsagawa ng salam,pagkatapos ay bumigkas ng Allahu Akbar,at nagpatirapa tulad ng pagtirapa nito o mas mahaba pa,pagkatapos ay ibinangon ang ulo nito,at bumigkas ng Allahu Akbar,pagkatapos ay inilagay ang ilo nito at bumigkas ng Allahu Akbar,at nagpatirapa tulad ng pagtirapa nito,o mas mahaba pa,pagkatapos ay ibinangon ang ulo nito at bumigkas n Allahu Akbar)) Isinaysay sa Saheeh ni Imam Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang kapag may nangyaring pagbabago sa pagdadasal [mula sa anumang] bagay,tunay na ipapaalam ko ito sa inyo,Subalit ako ay isang [ordinaryong] tao na katulad ninyo,nakakalimot ako tulad ng pagkalimot ninyo,at kapag nakalimot ako,ipaalala ninyo ito sa akin,at kapag nag-alinlangan ang isa sa inyo sa pagdarasal niya,pag-isipan niya ang tama at kompletuhin niya ito,pagkatapos ay magsagawa ng Taslem,pagkatapos ay magpatirapa siya ng dalawang pagpapatirapa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Sa bawat pagkakamali ay dalawang pagpapatirapa pagkatapos magsagawa ng Salam
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
[Kabanata ng] Sad,Hindi [kabilang] mula sa mga obligadong pagpapatirapa,At tunay na nakita ko ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na nagpapatirapa rito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Rabi`ah bin `Abdullah bin Al-Hudayr Attaymie;Na si `Umar bin Al-Khattab-malugod si Allah sa kanya-Ay nagbasa sa Araw ng Biyernes sa Entablado nang Kabanata An-Nahl hanggang sa dumating siya sa pagpapatirapa,bumaba siya, nagpatirapa,at Nagpatirapa ang mga Tao,Hanggang sa nang dumating ang Araw ng Biyernes na sumunod,ay nagbasa siya rito hanggang sa dumating naman siya sa pagpapatirapa;Nagsabi siya:(( O mga Tao;dadaan tayo sa (talata na may pagpapatirapa,sinuman ang magpatirapa ay tunay na nagtama,at sinuman ang hindi magpatirapa,ay walang kaparusahan sa kanya,at hindi nagpatirapa si `Umar-malugod si Allah sa kanya)) At sa isang salaysay: (( Katotohanan si Allah ay hindi nag-oobliga sa pagpatirapa maliban sa naisin natin)) Saheh Al-Bukharie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Katotohanang si Jibrēl -sumakanya ang pagpapala-ay dumating sa akin,at naghatid ng magandang balita sa akin,at Nagsabi siya: Sinuman ang magbigay ng Pagpapala sa iyo ay magbibigay ako ng Pagpapala sa kanya,at sinuman ang magbigay ng Pangangalaga sa iyo,ay magbibigay Ako ng Pangangalaga sa kanya,Kayat Nagpatirapa ako sa Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan-nang Pasasalamat.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu
Ayon kay Barra,Nagsabi siya;Ipinadala ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-si Khalid bin Waled sa mga nanahanan sa Yaman,upang mag-anyaya sa Islam,ngunithindi nilaito tinugunan,pagkatapos ay tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay ipinadala si Ali bin Abe Talib,at ipinag-utos niya sa kanya na pabalikin si Khalid at sinumang kasama niya,maliban sa isang lalaking na kasamahan ni Khalid na nagnais na sumanib kasama si Ali-malugod si Allah sa kanya-ay hayaan itong sumanib sa kanya,Nagsabi si Barra,kabilang ako sa sumanib sa kanya,At nang nakalapit na kami sa mga Tao,lumabas sila para sa amin,At nagdasal sa amin si Ali-malugod si Allah sa kanya-at pinalinya kami sa isang linya lamang,pagkatapos au nanguna siya sa amin,at binasa niya sa kanila ang sulat ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Hangang sa yumakap sa Islam ang lahat ng Hamdan,at (pagkatapos ay) Sumulat din si Ali-,malugod si Allah sa kanya sa Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-tungkol sa pagyakap nila sa Islam,,At nang basahin ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang sulat tungkol sa pagyakap nila sa Islam,nagpakumbaba siya pagpatirapa,pagkatapos ay ini-angat niya ang kanyang ulo na nagsasabi; Ang Pangangalaga ay mapa sa Hamdan,Ang Pangangalaga ay mapa sa Hamdan,Sunun Al-Kubra,Ni Bayhaqie
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu