عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: صَلَّى النبي صلى الله عليه وسلم إِحْدَى صَلاَتَيِ العَشِيّ -قال محمد: وَأَكْثَرُ ظَنِّي العصر- رَكْعَتَيْنِ، ثُمَّ سَلَّمَ، ثم قام إلى خَشَبَةٍ فِي مُقَدَّمِ المَسْجِدِ، فَوَضَعَ يَدَهُ عَلَيْهَا، وفيهم أبو بكر، وعمر رضي الله عنهما ، فَهَابَا أَنْ يُكَلِّمَاهُ، وخرج سَرَعَانُ النَّاسِ فَقَالُوا: أَقَصُرَتِ الصلاة؟ وَرَجُلٌ يَدْعُوهُ النبي صلى الله عليه وسلم ذُو اليَدَيْنِ، فَقَالَ: أَنَسِيتَ أَمْ قَصُرَتْ؟ فَقَالَ: لَمْ أَنْسَ وَلَمْ تُقْصَرْ، قَالَ: «بَلَى قَدْ نَسِيتَ، فَصَلَّى رَكْعَتَيْنِ، ثُمَّ سَلَّمَ، ثُمَّ كَبَّرَ، فَسَجَدَ مِثْلَ سُجُودِهِ أَوْ أَطْوَلَ، ثُمَّ رَفَعَ رَأْسَهُ، فَكَبَّرَ، ثُمَّ وَضَعَ رَأْسَهُ، فكبر، فَسَجَدَ مِثْلَ سُجُودِهِ أَوْ أَطْوَلَ، ثُمَّ رَفَعَ رَأْسَهُ وَكَبَّرَ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abe Hurayrah -malugod si Allah sa kanya-Sinabi niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-isa sa dalawang dasal (sa pagitan ng tanghali at bago magtakip-silim),Nagsabi si Muhammad:at dumami sa pag-aakala ko na ang dasal sa hapon(Al-Asr)-ay dalawang tindig,pagkatapos ay nagsagawa ito ng salam,pagkatapos ay tumindig siya sa isang kahoy sa harapan ng Masjid,at inilagay ang kamay niya dito,at kabilang doon sina Abu Bakar at Umar,at iginalang nilang dalawa( kayat nahiya sila )na kausapin nila ito,at lumabas na nagmamadali ang mga tao at nagsabi sila:Pina-ikli moba ang pagdarasal? at ang isang lalaki ng tinatawag ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na (Zul-Yadayn);nagsabi siya? Nakalimutan mo o pina-ikli mo?At Nagsabi siya: Wala akong nakalimutan at walang pina-ikli,sinabi niya:Oo,nakalimutan mo,Nagdasal siya ng dalawang tindig pagkatapos ay nagsagawa ng salam,pagkatapos ay bumigkas ng Allahu Akbar,at nagpatirapa tulad ng pagtirapa nito o mas mahaba pa,pagkatapos ay ibinangon ang ulo nito,at bumigkas ng Allahu Akbar,pagkatapos ay inilagay ang ulo nito at bumigkas ng Allahu Akbar,at nagpatirapa tulad ng pagtirapa nito,o mas mahaba pa,pagkatapos ay ibinangon ang ulo nito at bumigkas ng Allahu Akbar))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinapaliwanag ng kagalang-galang na Hadith ang nararapat sa nagdarasal na gawin nito,kapag nakalimot at nabawasan ang pagdarasal niya.Na kompletohin niya ang anumang natira sa kanya pagkatapos ay magsagawa ng Salam,pagkatapos ay magpatirapa ng dalawang patirapa para sa sahwe,pagpilit kung ano ang nangyari,at naisalaysay ni Abe Hurayrah-malugod si Allah sa kanya-Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nagdasal sa mga kasamahan niya,alinman kung dasal na tanghali(Dhuhr) o hapon ( Asr),At nang makapagdasal ng unang dalawang tindig ay nagsagawa ng salam,At nang ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kabuuan ay hindi mapanatag sa sarili nito maliban sa pagkompleto sa gawain,naramdaman niya na may kulang at mali,hindi niya batid ang dahilan nito.Tumayo sa may kahoy sa Masjid,at umupo siya rito na may pag-aalala,at pinipilipit ang pagitan ng mga daliri nito,dahil ang malaki nitong pagkatao ay nakakaramdam na mayroong bagay na hindi nito nakompleto,at lumabas ang mga nagmamadali mula sa mga nagdarasal sa nga pintuan ng Masjid,at sila`y nagbubulungan sa paigitan nila,na may nangyari,at ito ay ang pag-ikli sa dasal,at parang sila ay hindi makapaniwala sa katayuan ng propeta,na nagaganap sa kanya ang pagkalimot,at dahil sa malaking paggalang sa kanya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa puso ng mga tao,walang bumalak kahit isa sa kanila na simulan sa kanya itong talakayan.dahil,doon sina Abu Bakar at Umar-malugod si Allah sa kanilang dalawa.Maliban sa isang lalaki mula sa kasamahan ng Propeta na tinatawag na:"Zul Yadayn", pinutol niya ang katahimikan,na nagtanong siya sa Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa pagsabi niya: O Sugo ni Allah,Nalimutan mo o pina-ikli mo ang pagdarasal?Kaya nagsabi siya -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ayon sa kanyang pag-aakala- wala akong nakalimutan at walang pina-ikli.At pagkatapos mapag-alaman ni Zul-Yadayn -malugod si Allah s kanya-na ang dasal ay hindi pina-ikli,at siya nakakatiyak na hindi siya nakapag-darasal maliban sa dalawang tindig,napag-alaman niya na siya -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay nakalimot.Kaya nagsabi siya:Ngunit nakalimutan mo.Ninais niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na masiguro ang katotohanan sa sinabi ni Zul-Yadayn,kaya sinabi niya sa sinumang nasa paligid niya mula sa mga kasamahan niya:Totoo ba ang sinabi ni Zul-Yadayn na ako ay hindi nakapagdasal maliban sa dalawang tindig?Nagsabi sila: Oo,pagkatapos ay pumunta siya sa harapan pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at nagdasal sa anumang naiwan nito sa pagdarasal.At pagkatapos niya magsagawa ng Tashahhud,ay nagsagawa siya ng Salam,pagkatapos ay bumigkas ng Allahu Akbar na siya ay naka-upo,at nagpatirapa tulad ng pagtirapa ng matatag sa pagdarsal o mas-mahaba pa,pagkatapos ay ibinangon ang ulo nito mula sa pagpapatirapa at bumigkas ng Allah Akbar,pagkatapos ay bumigkas ng Allah Akbar at nagpatirapa tulad ng pagtirapa niya o mas-mahaba pa,pagkatapos ay ibinangon ang ulo nito at bumigkas ng Allah Akbar,pagkatapos ay nagsagawa ng Salam at hindi na nagsagawa ng Tashahhud.