Ang mga pangalawang kategorya

Talaan ng mga ḥadīth

1. O Sugo ni Allah,maaari bang matulog ang iisa sa amin kapag siya ay sa kalagayang Junub? Nagsabi siya: Oo,Kapag nakapagsagawa ng Wudhu ang isa sa inyo ay maaari siyang matulog
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
2. Sinabi ni Allah-Pagkataas-taas Niya: Walang makukuhang gantimpala mula sa Akin ang alipin kong mananampalataya,kapag binawian ko ng buhay ang minamahal niya sa mundo,pagkatapos ay nagtiis at hinangad niya gantimpala nito,maliban sa Paraiso
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
3. Tunay na ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay naglalakbay-Nagdasal siya ng `Eishah sa huling [oras nito],binasa niya sa unang dalawang tindig ang kabanata ng Atten at Azzaytun,Wala pa akong narinig sa sinuman na may mas magandang tinig o pagbasa sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
4. Ipinag-utos niya sa mga tao,na ang maging huling pagtatagpo nila ay sa Tahanan [ng Allah],subalit hindi niya isinali rito ang babaing may regla
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
5. Tinutugon ang isa sa inyo hanggat hindi siya nagmadali, na nagsasabi: Dumalangin na ako sa Panginoon ko ngunit hindi Siya tumugon sa akin. - 2 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
6. Kaya bumalik sa mga magulang mo at husayan mo ang pakikisama sa kanilang dalawa
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
7. Kapag kayo ay nagsuot ng damit,at kapag kayo ay nagsagawa ng wudhu,magsimula kayo sa inyong kanan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
8. Walang ipinagkaiba ang luklukan sa paghahambing sa trono kundi gaya ng isang singsing na yari sa bakal na itinapon sa gitna ng malawak na disyerto ng lupa.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
9. Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay bumibisita sa Quba na sumasakay at naglalakad,Nag-aalay siya rito ng dalawang Tindig na pagdarasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
10. Walang buhay na nakikitil nang walang katarungan maliban sa ang unang anak ni Adan ay magtatamasa ng bahagi sa pagpatay sa kanya,Dahil siya ang unang gumawa ng pagkitil ng buhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
11. Dumating ako sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay naglilinis ng ngipin gamit ang basang siwak,Nagsabi siya: At ang dulo ng siwak ay nasa dila niya,at siya ay nagsasabi ng:Uh,uh [boses ng sumusuka],at ang siwak ay nasa bunganga niya,na para siyang nasusuka
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
12. Pumasok si `Abdurrahman bin Abu Bakar Assiddiq-malugod si Allah sa kanya-sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang ako ang naging sandalan niya, sa aking dibdib.At si`Abdurrahman ay may dala-dalang Siwak na basa,ginagamit niya sa paglilinis ng kanyang ngipin,Tinitigan ito ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa mata niya
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
13. Ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay nagpahuli ng pagdarasal ng Eishah sa malalim na gabi.Lumabas si `Umar,Sinabi niya: Ang pagdarasal o Sugo ni Allah,Tulog na ang mga kababaihan at mga bata.Lumabas siya at ang ulo niya ay pumapatak [ng tubig] Sinabi niyang: Kung hindi ko lamang mapapahirapan ang aking Nasyon-o sa mga tao-Ipinag-utos ko sa kanila ang pagdarasal na ito sa ganitong oras - 1 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
14. Bumangon ka at magdasal ka ng witr, o `Ā’ishah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
15. Tinanong ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, kung aling pagdarasal ang pinakamainam? Nagsabi siya: Ang matagal ang pagtayo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
16. Kung nagkataong ang mundo ay nakatutumbas sa ganang kay Allah ng isang pagkpak ng lamok, hindi na sana Siya nagpainom sa siyang tumatangging sumampalataya mula roon ng isang inom ng tubig.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
17. Tunay na ang bawat kalipunan ay may tukso at ang tukso ng kalipunan ko ay ang yaman. - 1 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
18. Katotohanang darating ang isang lalaking napakataba at napakalaki sa Araw ng Pagkabuhay,na wala siyang bigat para kay Allah na tulad ng pakpak ng lamok.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
19. Kung nagkataong nagkaroon ako ng tulad sa [bundok ng] Uhud na ginto, talagang ikagagalak ko na pagkalipas ng tatlong gabi ay walang matitira sa akin na anuman mula rito maliban sa anumang ipambabayad ko sa isang pagkakautang.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
20. Ang Mundo kung ihahambing sa Kabilang-buhay ay tulad ng paglalagay ng isa sa inyo ng daliri niya sa dagat, kaya pagmasdan niya kung ano ang ibinabalik nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
21. Ang sinumang dumanas ng kasalatan at idinulog ito sa mga tao, hindi ito makatutugon sa karukhaan niya. Ang sinumang magdulog nito kay Allah, magpapadala agad si Allah sa kanya ng panustos na maaga o huli.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
22. Ang sinumang gumugol sa dalawang asawa sa landas ni Allāh ay ipananawagan mula sa mga pinto ng Paraiso: O Lingkod ni Allāh, ito ay mabuti. Ang sinumang kabilang sa mga alagad ng pagdarasal ay tatawagin mula sa pinto ng pagdarasal. Ang sinumang alagad ng pakikibaka ay tatawagin mula sa pinto ng pakikibaka.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
23. Ang sinumang nakakita sa akin sa panaginip ay makikita niya ako sa pagkagising, o para bang nakita niya ako sa pagkagising; hindi lumilitaw ang Demonyo sa anyo ko.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
24. Binawi ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, samantalang sa bahay ko ay walang anumang makakain ng isang may atay maliban sa kakarampot na sebada sa isang istante ko. Kinaikain ko ito hanggang sa tumagal sa akin. Tinakal ko ito at naubos ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
25. Sinusundan ang patay ng tatlo: ng mag-anak niya, ng yaman niya, at ng gawa niya. Uuwi ang dalawa at maiiwan ang isa. Uuwi ang mag-anak niya at ang yaman niya, at maiiwan ang gawa niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
26. Na ang Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay natutulog sa unang bahagi ng gabi at gumigising sa huling bahagi nito at nagdadasal
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
27. Ginawa ni Allāh ang awa na isang daang bahagi at pinanatili Niya sa piling Niya ang siyamnapu't siyam. Nagpababa Siya sa lupa ng iisang bahagi. Mula sa bahaging iyon nag-aawaan ang mga nilikha hanggang sa nag-aangat ang hayop ng paa nito palayo sa anak nito sa takot na masagi ito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
28. Talagang si Allāh ay higit na masaya sa pagbabalik-loob ng lingkod Niya kaysa sa isa inyo na nakasumpong sa kamelyo niya noong naiwala niya ito sa lupang disyerto.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
29. Tunay na si Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, ay tumatanggap sa pagbabalik-loob ng tao hanggat hindi ito naghihingalo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
30. Hinding hindi mag-aayuno ang isa sa inyo sa araw ng Biyernes,maliban kapag siya ay nag-ayuno ng isang araw bago ito o [mag-aayuno] sa kasunod nito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
31. Tunay na ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ay muntik na siyang inaabutan ng Fajr at siya ay nasa kalagayan ng Junub sa kanyang asawa,pagkatapos ay naliligo siya at nag-aayuno
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
32. Kapag lumapit ang gabi mula rito at lumayo ang maghapon mula rito, titigil nga sa pag-aayuno ang nag-aayuno.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
33. Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
34. O Allah, ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman at nagmalupit siya sa kanila, magmalupit Ka sa kanya; ang sinumang namahala sa kapakanan ng Kalipunan ko ng anuman at naglumanay siya sa kanila, maglumanay Ka sa kanya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
35. Hindi ko ba ipababatid sa inyo kung sino ang ipinagkait sa Impiyerno, o kanino ipinagkait ang Impiyerno? Ipinagbawal ito sa bawat malalapitan, mahinahon, banayad, madaling [pakisamahan]. - 1 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
36. Magtiis kayo sapagkat tunay na walang dumarating na isang panahon malibang ang matapos nito ay higit na masama kaysa rito hanggang sa makatagpo ninyo ang Panginoon ninyo.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
37. Noong nilikha ni Allāh ang mga nilikha, isinulat Niya sa isang talaan, na nasa piling Niya sa ibabaw ng trono: Tunay na ang awa Ko ay nananaig sa galit Ko.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
38. Katulad ko at katulad niyo ay kasing tulad ng isang lalaki pinasiklab ang apoy at ginawa ng mga balang at paru-paro ay nagsihulugan sila dito, at sila ay matutupok sa kanya (apoy), at ako ay kinuha (iniligtas) ko kayo mula sa apoy, ngunit kayo ay lumayo mula sa aking kamay - 1 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
39. Sa bawat gabi ay nagdadasal ng Witr ang Sugo ni Allah pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: mula sa unang gabi,at kalagitnaan nito at huli nito,at natatapos ang pagdadasal niya ng Witr sa huling bahagi ng gabi.))
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
40. Ang sinumang mangako ng katapatan sa isang pinuno at nagbigay rito ng pangako ng kamay niya at katapatan ng puso niya ay sundin niya ito kung makakaya niya. Kung may dumating na iba na makikipagtunggali sa kanya, tagain ninyo ang leeg ng iba
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
41. Sinuman ang magsaksi ng ililibing hanggang sa maipanalangin ito,mapapa sa kanya ang Qiraat (malaking gantimpala),at sinuman ang magsaksi nito hanggang sa ma-ilibing,mapapasakanya ang dalawang Qiraat (malaking gantimpala),Sinabi sa kanya; anu ang dalawang Qiraat? Sinabi niya;Katulad ng dalawang malaking bundok.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
42. Ipapa-alam koba sa iyo ang pinaka-mamahal na salita para kay Allah? Katotohanan ang pinaka-mamahal na salita parakay Allah
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
43. Sinuman ang ginamit namin sa inyo sa gawain, at itinago namin ang karayom maging mataas pa sa kanya ito ay maging mapahamak na dadalhin niya sa kabilang buhay
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
44. Sinuman ang matakot ay magsigasig o magmadali siyang lumakad, at sinuman ang nagmadali ay nakakarating ng bahay, katotohanan na ang kalakal o paninda ng Allah ay mahal, katotohanan ang paninda o kalakal ng Allah ay ang Paraiso - 1 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
45. Sumpa sa kaluluwa ko na nasa Kamay Niya,Kung hindi lamang kayo nagkakasala,aalisin kayo ni Allah,at papalitan [kayo] ni Allah ng mga grupo ng tao na nagkakasala,at humihingi ng kapatawaran sa Allah-Pagkataas-taas Niya,at papatawarin sila
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
46. Iwasan ninyo ang pag-upo sa mga daan,Nagsabi sila:O Sugo ni Allah,Wala kaming dapat iwasan sa pag-upo namin,nag-uusap kami rito,Kapag kayo ay nagtanggi ipagkaloob ninyo ang karapatan ng daan,Nagsabi sila: Ano ang Karapatan nito?Nagsabi siya:Pagbaba sa paningin,at pagpigil sa mga nakakapinsala,at pagsagot sa pagbati,at pag-utos sa kabutihan at pagbabawal sa kasamaan.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
47. Kapighatian sa nagsasalita at nagsisinungaling upang matawa ang mga tao! Kapighatian sa kanya, pagkatapos ay kapighatian sa kanya!
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
48. Ako ay tagapaggarantiya ng isang bahay sa paligid ng Paraiso para sa sinumang umayaw sa pakikipagtalo, kahit pa man siya ay nasa tama. - 1 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
49. Kapag nag-amen ang imām ay mag-amen kayo sapagkat tunay na ang sinumang natapat ang pag-amen niya sa pag-amen ng mga anghel ay magpapatawad sa kanya sa nauna sa pagkakasala niya.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
50. Ang sinumang nagkawanggawa ng katumbas ng isang datiles mula sa mabuting kinita - at hindi tumatanggap si Allah malibang mabuti - tunay na si Allah ay tatanggap niyon sa pamamagitan ng kanang kamay Niya. Pagkatapos ay alalagaan Niya ito para sa nagbigay nito gaya ng pag-aalaga ng isa sa inyo ng kabayong guya niya hanggang sa maging tulad ng bundok.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
51. Ang Hadith ng pamamagitan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
52. Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa mga tao,pagaanin niya ito,sapagkat kabilang sa kanila ang mahina,may sakit,at may pangangailangan,Subalit kapag nagdasal kayo [mag-isa] sa sarili ninyo,habaan niya ito hanggang sa kanyang naisin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
53. Alḥamdu lillāhi -lladhī aṭ`amanā wa saqānā wa kafānā wa āwānā, fakam mimman lā kāfiya lahu wa lā mu'wiya. (Ang papuri ay ukol kay Allāh na nagpakain sa atin, nagpainom sa atin, nagbigay ng kasapatan sa atin, at nagpatira sa atin sapagkat kay rami ng [taong] walang nagbibigay ng kasapatan sa kanya at walang nagpapatuloy.)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
54. May tatlong panalangin na tintutugong walang duda hinggil sa mga ito: ang panalangin ng inapi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
55. Pakinggan! Ibabalita ko ba sa inyo kung ano ang kabulaanan? Ito ay ang tsismis na pinagsasabi sa gitna ng mga tao.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
56. ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi noon: "Allāhumma innī a`ūdhu bika min -lbaraṣi wa -ljunūni wa -ljudhāmi wa sayyi'i -l'asqām (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa an-an, kabaliwan, ketong, at masamang mga karamdaman)."
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
57. Nagsabi ako: O Sugo ni Allāh, turuan mo po ako ng isang panalangin. Nagsabi siya: Sabihin mo: "Allāhumma, innī a`dhu bika min sharri sam`ī wa min sharri baṣarī wa min sharri lisānī wa min sharri qalbī wa min sharri manīyī. (O Allāh, tunay na ako ay nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan ng pandinig ko, laban sa kasamaan ng paningin ko, laban sa kasamaan ng dila ko, laban sa kasamaan ng puso ko, at laban sa kasamaan ng maselang bahagi ko.)"
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
58. Hindi papasok sa Paraiso ang sinumang sa puso niya ay may kasimbigat ng butil ng alikabok na pagmamalaki.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
59. At kung mananatili pa ako sa hinaharap,talagang mag-aayuno ako sa ika-siyam - 1 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
60. Tungkulin ng taong Muslim ang pagdinig at ang pagtalima [sa pinuno] sa anumang naibigan niya at kinasuklaman niya malibang nag-utos sa kanya ng isang pagsuway sapagkat kapag nag-utos sa kanya ng isang pagsuway ay walang pagdinig at walang pagtalima.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
61. Ilalagay ang landasin sa pagitan ng dalawang pampang ng Impiyerno, na mayroong mga tinik gaya ng tinik ng [halamang] Sa`dān. Pagkatapos ay patatawirin ang mga tao, kaya may maliligtas, masasagip, matatalupan pagkatapos ay maliligtas, mapipigilan at saka matitiwarik doon.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
62. Napahahanga ba kayo mula sa paninibugho ni Sa`d? Sumpa man kay Allāh, talagang ako ay higit na mapanibughuin kaysa sa kanya at si Allāh ay higit na mapanibughuin kaysa sa akin. Alang-alang sa paninibugho ni Allāh, ipinagbawal Niya ang mga mahalay: anumang nakalitaw mula sa mga ito at anumang nakatago. Walang personang higit na mapanibughuin kaysa kay Allāh.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
63. Tunay na ang mga naninirahan sa Paraiso ay talagang makakikita sa mga naninirahan sa mataas na tirahan sa ibabaw nila gaya ng pagkakita nila sa maningning na tala na nagdaraan sa abot-tanaw ng silangan o kanluran dahil sa pagkakalamangan sa pagitan nila.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
64. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay humalik sa isa sa mga maybahay niya. Pagkatapos ay lumabas siya papunta sa masjid at hindi na nagsagawa ng wuḍū'.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
65. Ayon kay Ali-malugod si Allah sa kanya-Kami ay nasa libingan sa Baqie Al-Gharqad,Dumating sa amin ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-umupo siya at umupo kami na paikot sa kanya,at may dala siyang patpat,ibinaba niya ang ulo niya at gumawa siya ng hukay gamit ang patpat nito,Pagkatapos ay sinabi niya:(( Wala sa inyo na kahit isa maliban sa naisulat ang pag-uupuan niya sa Impyerno at pag-uupuan niya sa Paraiso))Kaya`t nagsabi sila:O Sugo ni Allah,Hindi ba kami magtitiwala sa aklat nami? Nagsabi siya:(( Magtrabaho kayo,sapagkat ang lahat ay magiging madali,ayon sa nilikha sa kanya)) Napagkaisahan ang katumpakan
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
66. Itinakda sa anak ni Adan ang bahagi niya sa pangangalunya; matatamo iyon, hindi maiiwasan: Ang mga mata, ang pangangalunya ng mga ito ay ang bawal na pagtingin. Ang mga tainga, ang pangangalunya ng mga ito ay ang bawal na pakikinig. Ang dila, ang pangangalunya nito ay ang bawal na pagsasalita. Ang kamay, ang pangangalunya nito ay ang bawal na paghawak. Ang paa, ang pangangalunya nito ay ang bawal bawal na paghakbang. Ang puso ay nagpipithaya, nagmimithi, at paniniwalaan iyon ng ari ng tao o pasisinungalingan iyon. - 1 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
67. kayo, o mga tao, ay kumakain ng dalawang halamang wala akong naaamoy sa dalawang ito kundi masama: ang sibuyas at ang bawang.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
68. Allāhumma innī as’aluka khayrahā, wa khayra mā fīhā, wa khayra mā ursilat bihi, wa a`ūdhu bika min sharrihā, wa sharri mā fīhā, wa sharri mā ursilat bih (O Allah, tunay na ako ay humihingi sa Iyo ng kabutihan nito, ng kabutihan ng nasa loob nito, at ng kabutihan ng bagay na ipinadala kalakip nito; at nagpapakupkop sa Iyo laban sa kasamaan nito, sa kasamaan ng nasa loob nito, at sa kasamaan ng bagay na ipinadala kalakip nito). - 1 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
69. Ang hangin ay bahagi ng awa ni Allah. Naghahatid ito ng awa at naghahatid ito ng pagdurusa. Kapag nakita ninyo ito ay huwag ninyong laitin ito. Hingin ninyo kay Allah ang kabuitahn nito. Magpakupkop kayo kay Allah laban sa kasamaan nito.
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
70. Kapag nakipagtalik ang isa sa inyo sa asawa nito,pagkatapos ay ninais niya itong balikan,magasagawa siya ng wudhu sa pagitan ng dalawang ito
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
71. Hindi ko ba ituturo sa iyo ang pinakadakilang kabanata sa Qur'ān
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
72. Tanggalin mo sa atin ang manipis na damit mong ito.Sapagkat nanatili ang itsura nito na nakikita ko sa pagdarasal ko
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
73. Pinalabas ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa isang araw si Al-Hasan,pina-akyat niya ito sa Minbar (tinatayuan ng Imam kapag nangangaral), at Nagsabi siya:((Ang anak kong ito ay magiging pinuno,At marahil ang Allah ay gagawin siyang Tagapagka-sundo sa pagitan ng dalawang grupo mula sa mga Muslim)
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
74. Sinuman ang magmahal kay Hasan at Husayn tunay na minahal niya ako,at sinuman ang mamunghi sa kanilang dalawa tunay na namunghi siya sa akin - 1 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
75. Ang pagdarasal sa gabi at araw ay dalawa dalawa - 1 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
76. (Ang pinaka-mainam na pag-aayuno pagkatapos ng Buwan ng Ramadhan ay ang Buwan ng Allah na Muharram,at ang pinakamainam na Pagdarasal pagkatapos ng ng mga Obligado ay ang Dasal na Gabi
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
77. Ayon kay Abe Salamah bin`Abdurrahman,Na sinabi niya ,na tunay na tinanong niya si `Aishah-malugod si Allah sa kanya-Kung papaano magdasal ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa buwan ng Ramadhan? Nagsabi siya;(( Hindi nagdaragdag ang Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan sa Buwan ng Ramadhan at hindi sa iba nito,nang labing-isang tindig,nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng apatang (tindig),huwag mong itanong ang kagandahan nito at haba nito,pagkatapos ay nagdarasal siya ng tatlong tindig,Nagsabi si `Aishah: Sinabi ko,O Sugo ni Allah,natutulog kaba bago ka magdasal ng Witr? Nagsabi siya:( O `Aishah,tunay na ang dalawang mata ko ay natutulog,ngunit hindi natutulog ang Puso ko)) Saheh Al-Bukharie - 2 ملاحظة
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
78. Magdasal kayo ng Witr bago kayo umagahin
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses
79. Sinuman ang natatakot na hindi makapag-dasal sa huling-gabi,ay magdasal ito ng Witr sa unang-gabi nito,at sinuman ang naghahangad na makapag-dasal sa huling-gabi nito,ay magdasal ito ng Witr sa huling-gabi nito,Dahil ang pagdarasal sa huling-gabi ay sinasaksihan,at ito ang mas-mainam
عربي Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses