1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth Ang pangunahin sa paghingi ng tawad

عَنْ شَدَّادِ بْنِ أَوْسٍ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:

«سَيِّدُ الِاسْتِغْفَارِ أَنْ تَقُولَ: اللَّهُمَّ أَنْتَ رَبِّي لاَ إِلَهَ إِلَّا أَنْتَ، خَلَقْتَنِي وَأَنَا عَبْدُكَ، وَأَنَا عَلَى عَهْدِكَ وَوَعْدِكَ مَا اسْتَطَعْتُ، أَعُوذُ بِكَ مِنْ شَرِّ مَا صَنَعْتُ، أَبُوءُ لَكَ بِنِعْمَتِكَ عَلَيَّ، وَأَبُوءُ لَكَ بِذَنْبِي فَاغْفِرْ لِي، فَإِنَّهُ لاَ يَغْفِرُ الذُّنُوبَ إِلَّا أَنْتَ» قَالَ: «وَمَنْ قَالَهَا مِنَ النَّهَارِ مُوقِنًا بِهَا، فَمَاتَ مِنْ يَوْمِهِ قَبْلَ أَنْ يُمْسِيَ، فَهُوَ مِنْ أَهْلِ الجَنَّةِ، وَمَنْ قَالَهَا مِنَ اللَّيْلِ وَهُوَ مُوقِنٌ بِهَا، فَمَاتَ قَبْلَ أَنْ يُصْبِحَ، فَهُوَ مِنْ أَهْلِ الجَنَّةِ».

Ayon kay Shaddād bin Aws (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang pangunahin sa paghingi ng tawad ay na magsabi ka ng: Allāhumma anta rabbī. Lā ilāha illā anta. Khalaqtanī wa-anā `abduka, wa-anā `alā `ahdika wa-wa`dika ma -staṭa`tu. A`ūdhu bika min sharri mā ṣana`tu. Abū'u laka bi-ni`matika `alayya wa-abū'u bi-dhambī, fa-ghfir lī fa-innahū lā yaghfiru -l dhdhunūba illā anta. (O Allāh, Ikaw ay Panginoon ko. Walang Diyos kundi Ikaw. Nilikha Mo ako at ako ay alipin Mo. Ako ay nasa ilalim ng kasunduan sa Iyo at pangako sa Iyo hanggang sa abot ng makakaya ko. Nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kasamaan ng nagawa ko. Kumikilala ako sa Iyo sa biyaya Mo sa akin at kumikilala ako sa Iyo sa pagkakasala ko kaya magpatawad Ka para sa akin sapagkat tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw.) Ang sinumang nagsabi nito sa maghapon habang nakatitiyak dito saka namatay sa araw nito bago gumabi, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso. Ang sinumang nagsabi nito sa gabi habang nakatitiyak dito saka namatay sa araw nito bago mag-umaga, siya ay kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso."}

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Al-Bukhārīy Ṣaḥīḥ Al-Bukhārīy - 6306

Ang Pagbibigay-linaw

Nagpapabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang paghingi ng tawad ay may mga pananalita at ang na pinakamainam sa mga ito at ang pinakadakila sa mga ito ay magsabi ang tao ng: "Allāhumma anta rabbī. Lā ilāha illā anta. Khalaqtanī wa-anā `abduka, wa-anā `alā `ahdika wa-wa`dika ma -staṭa`tu. A`ūdhu bika min sharri mā ṣana`tu. Abū'u laka bi-ni`matika `alayya wa-abū'u bi-dhambī, fa-ghfir lī fa-innahū lā yaghfiru -l dhdhunūba illā anta. (O Allāh, Ikaw ay Panginoon ko. Walang Diyos kundi Ikaw. Nilikha Mo ako at ako ay alipin Mo. Ako ay nasa ilalim ng kasunduan sa Iyo at pangako sa Iyo hanggang sa abot ng makakaya ko. Nagpapakupkop ako sa Iyo laban sa kasamaan ng nagawa ko. Kumikilala ako sa Iyo sa biyaya Mo sa akin at kumikilala ako sa Iyo sa pagkakasala ko kaya magpatawad Ka para sa akin sapagkat tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Ikaw.)" Maninindigan ang tao kay Allāh sa Tawḥīd, una sa lahat; na si Allāh ay Tagalikha niya at sinasamba niya: walang katambal sa Kanya; na siya ay tumutupad sa kasunduan kay Allāh (kaluwalhatian sa Kanya) na pananampalataya sa Kanya at pagtalima sa Kanya alinsunod sa kakayahan dahil ang tao, maging gaano man nagsagawa ng pagsamba, ay hindi makakakaya na magsagawa ng lahat ng ipinag-utos sa kanya ni Allāh ni ng pagsasagawa ng kinakailangan na pagpapasalamat sa mga biyaya; na siya ay dumudulog kay Allāh at mangungunyapit sa Kanya sapagkat tunay na Siya ay ang hinihilingan ng pagkupkop laban sa kasamaan na niyari ng tao; na siya ay naninindigan at kumikilala sa Kanya ng pagkukusang-loob sa biyaya Niya sa kanya at umuulit sa sarili ng paninindigan at pagkilala sa kasalanan niya at pagsuway niya. Matapos ng pagsusumamong ito kay Allāh, dadalangin siya sa Panginoon niya na magpatawad sa kanya sa pamamagitan ng pagtatakip sa mga pagkakasala niya at pagsasanggalang sa kanya sa mga kasalanan niya sa pamamagitan ng pagpaumanhin Niya, kabutihang-loob Niya, at awa Niya sapagkat tunay na walang nagpapatawad sa mga pagkakasala kundi Siya (kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan). Pagkatapos nagpabatid ang Propeta (sumakanya ang basbas at ang pangangalaga) na ang mga ito ay kabilang sa mga dhikr sa umaga at gabi. Kaya ang sinumang nagsabi ng mga ito nang may katiyakan, kamalayan sa mga kahulugan ng mga ito, at pananampalataya sa mga ito sa unang bahagi ng araw niya sa pagitan ng pagsikat ng araw at katanghaliang-tapat nito, na oras ng maghapon, saka namatay siya, papasok siya sa Paraiso. Ang sinumang nagsabi ng mga ito sa gabi, na mula sa paglubog ng araw hanggang sa pagsapit ng madaling-araw, saka namatay siya bago mag-umaga, papasok siya sa Paraiso.

الملاحظة
أعتقد أن هذه الجملة نسيت كتابتها { ثم مات من يومه قبل أن يمسي دخل الجنة }
النص المقترح لا يوجد...

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang mga porma ng paghingi tawad ay nagkakaiba-iba at ang ilan sa mga ito ay higit na mainam kaysa sa iba.
  2. Nararapat sa tao na magsigasig sa pagdalangin kay Allāh sa pamamagitan ng panalanging ito dahil ito ay ang pangunahin sa paghingi ng tawad.

Ang Paglalahad ng mga Salin

58 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
DE Deutsch الألمانية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
KY Кыргызча القيرقيزية
NE नेपाली النيبالية
YO Yorùbá اليوروبا
LT Lietuvių الليتوانية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
SO Soomaali الصومالية
TG тоҷикӣ الطاجيكية
RW Kinyarwanda الكينياروندا
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
CS Čeština التشيكية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
IT Italiano الإيطالية
OM Oromoo الأورومو
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
AZ Azərbaycan الأذربيجانية
UZ O‘zbek الأوزبكية
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
KMR Kurmancî الكرمنجية
Ang mga Kategorya
  • .