«كُلُّ سُلاَمَى مِنَ النَّاسِ عَلَيْهِ صَدَقَةٌ، كُلَّ يَوْمٍ تَطْلُعُ فِيهِ الشَّمْسُ يَعْدِلُ بَيْنَ الِاثْنَيْنِ صَدَقَةٌ، وَيُعِينُ الرَّجُلَ عَلَى دَابَّتِهِ فَيَحْمِلُ عَلَيْهَا أَوْ يَرْفَعُ عَلَيْهَا مَتَاعَهُ صَدَقَةٌ، وَالكَلِمَةُ الطَّيِّبَةُ صَدَقَةٌ، وَكُلُّ خُطْوَةٍ يَخْطُوهَا إِلَى الصَّلاَةِ صَدَقَةٌ، وَيُمِيطُ الأَذَى عَنِ الطَّرِيقِ صَدَقَةٌ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 2989]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"Ang bawat kasukasuan mula sa mga tao ay may kailangan dito na isang kawanggawa sa bawat araw na sumisikat dito ang araw. Ang magmakatarungan sa pagitan ng dalawang [tao] ay isang kawanggawa. Ang tumulong sa tao sa sasakyang hayop niya saka bumuhat sa kanya sa ibabaw nito o mag-angat sa ibabaw nito ng dala-dalahan niya ay isang kawanggawa. Ang pangungusap na kaaya-aya ay isang kawanggawa. Ang bawat hakbang na inihahakbang papunta sa pagdarasal ay isang kawanggawa. Ang pag-alis ng perhuwisyo palayo sa daan ay isang kawanggawa."}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 2989]
Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na sa bawat araw ayon sa bilang ng bawat palahugpungan (joint) mula sa mga palahugpungan ng mga buto niya, kailangan sa bawat Muslim na naatangan ng tungkulin ang magbigay ng isang kawanggawa ng pagkukusang-loob para kay Allāh (napakataas Siya) bilang paraan ng pasasalamat sa Kanya sa kagalingan; na gumawa si Allāh sa mga buto niya ng mga palahugpungan na nakakakaya siya sa pamamagitan ng mga ito sa pagkuyom at pagbuka; at na ang kawanggawang iyon ay nagagampanan sa pamamagitan ng mga gawain ng pagsasamabuting-loob sa kalahatan ng mga ito at hindi dumedepende sa pagbibigay ng salapi. Kabilang sa mga ito: Ang katarungan mo at ang pagsasaayos mo sa pagitan ng magkaalitan ay kawanggawa. Sa pagtulong mo sa walang-kakayahan sa sasakyan niya para bumuhat sa kanya sa ibabaw nito o mag-angat para sa kanya ng dala-dalahan niya ay may kawanggawa. Ang pangungusap na kaaya-aya gaya ng dhikr, panalangin, pagbati, at iba pa sa mga ito ay kawanggawa. Sa bawat hakbang na nilalakad mo papunta sa ṣalāh ay kawanggawa. Ang pag-aalis sa daan ng nakapeperhuwisyo ay kawanggawa.