+ -

عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُ قَالَ: سَمِعْتُ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«لاَ يَزَالُ قَلْبُ الكَبِيرِ شَابًّا فِي اثْنَتَيْنِ: فِي حُبِّ الدُّنْيَا وَطُولِ الأَمَلِ».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 6420]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Hindi natitigil ang puso ng matanda [sa pagiging] binata sa dalawa: sa pag-ibig sa Mundo at haba ng pag-asa."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 6420]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang matandang lalaki ay tumatanda at nanghihina ang katawan niya subalit ang puso niya ay binata ayon sa pag-ibig sa dalawa: Una. Sa pag-ibig sa Mundo dahil sa dami ng yaman. Ikalawa. Sa haba ng buhay, edad, pamumuhay at pag-asa.

من فوائد الحديث

  1. Ang paglilinaw sa katangiang isinakatutubo ang tao, ang pag-ibig sa Mundo at ang haba ng pag-asa.
  2. Ang pagpapahiwatig sa pagpula sa haba ng pag-asa at pagsisigasig sa pagtipon ng yaman. Ito ay humihiling ng pagpapakahanda para sa kamatayan at pagtangi sa kawanggawa para sa mayaman at nagpipigil sa panghihingi para sa maralita.
  3. Ang pinakakaibig-ibig sa mga bagay sa anak ni Adan ay ang sarili niya kaya siya ay nagnanasa sa pananatili nito. Kaya naman inibig niya para roon ang kahabaan ng edad at inibig niya ang yaman dahil ito ay kabilang sa pinakamalaki sa mga kadahilanan sa pamamalagi ng kalusugan at pagtatamasa. Kaya sa tuwing nakadama siya ng pagkaubos niyon, tumitindi ang pagkaibig niya rito at ang pagnanasa niya sa pamamalagi nito.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Sinhala Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Telugu Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin