Ang kategorya: . . .
+ -
عَنْ أَبِي هُرَيْرَةَ رضي الله عنه عَنِ النَّبِيِّ صلى الله عليه وسلم قَالَ:

«دَعُونِي مَا تَرَكْتُكُمْ، إِنَّمَا هَلَكَ مَنْ كَانَ قَبْلَكُمْ بِسُؤَالِهِمْ وَاخْتِلَافِهِمْ عَلَى أَنْبِيَائِهِمْ، فَإِذَا نَهَيْتُكُمْ عَنْ شَيْءٍ فَاجْتَنِبُوهُ، وَإِذَا أَمَرْتُكُمْ بِأَمْرٍ فَأْتُوا مِنْهُ مَا اسْتَطَعْتُمْ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 7288]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
"Hayaan ninyo ako sa anumang iniwan ko sa inyo. Nasawi lamang ang mga bago ninyo dahil sa pagtatanong nila at pagsalungat nila sa mga propeta nila. Kaya kapag sumaway ako sa inyo laban sa isang bagay, iwasan ninyo ito; at kapag nag-utos ako sa inyo ng isang utos, gawin ninyo mula rito ang makakaya ninyo."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 7288]

Ang pagpapaliwanag

Bumanggit ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang mga patakarang pambatas ay nasa tatlong bahagi: mga ipinanahimik, mga sinasaway, at mga inuutos.
A. Ang bagay na nanahimik ang kapahayagan tungkol dito yayamang walang kahatulan at na ang pangunahing panuntunan sa mga bagay ay ang kawalan ng pagsasatungkulin. Hinggil naman sa panahon ng Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kinakailangan ang magwaksi ng pagtatanong tungkol sa isang bagay na hindi naganap, sa takot na magbaba rito ng isang pagsasatungkulin o isang pagbabawal sapagkat tunay na si Allāh ay nag-iwan nito bilang awa sa mga lingkod. Hinggil naman sa matapos ng kamatayan niya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan), kung ang pagtatanong ay sa paraan ng paghiling ng fatwā o pagtuturo ng kinakailangan mula sa nauukol sa Relihiyong Islām, ito ay pinapayagan; bagkus ipinag-uutos. Kung ito naman ay sa anyo ng pangungulit at pagkukunwari, ito ang tinutukoy ng pagwaksi sa pagtatanong sa ḥadīth na ito. Iyon ay dahil ito ay maaaring mauwi sa tulad ng naganap sa propeta ng mga anak ni Israel noong inutusan sila na magkatay ng isang baka sapagkat kung sakaling nagkatay sila ng alinmang baka, talagang nakasunod sana sila subalit sila ay naghigpit kaya hinigpitan sila.
B. Ang mga sinasaway. Ang mga ito ay ang ginagantimpalaan ang tagawaksi nito at pinarurusahan ang tagagawa nito kaya naman kinakailangan ang pag-iwas sa mga ito sa kabuuan ng mga ito.
C. Ang mga inuutos. Ang mga ito ay ang ginagantimpalaan ang tagagawa nito at pinarurusahan at ang tagawaksi nito kaya naman kinakailangan na gumawa mula rito sa abot ng kakayahan.

من فوائد الحديث

  1. Nararapat ang pagpapakaabala sa pinakamahalagang kinakailangan, ang pagwaksi sa hindi kinakailangan sa kasalukuyan, at ang hindi pagpapakaabala sa pagtatanong tungkol sa hindi na
  2. ganap.
  3. Ang pagbabawal sa pagtatanong na marahil nagpaabot sa pagpapasalimuot ng mga usapin at pagbukas ng pinto ng mga maling akalang humantong sa dami ng pagkakaiba-ibahan.
  4. Ang pag-uutos ng pagwaksi sa lahat ng mga sinasaway dahil walang hirap sa pagwaksi sa mga ito. Dahil doon, ang pagsaway laban doon ay naging pangkalahatan.
  5. Ang pag-uutos ng paggawa ng ipinag-uutos sa abot ng kakayahan dahil ito ay maaaring mag-obliga ng isang hirap o mawalang-kakayahan dito. Dahil dito, ang pag-uutos nito ay naging ayon sa abot ng kakayahan.
  6. Ang pagsaway laban sa dami ng pagtatanong. Hinati ng mga maalam ang pagtatanong sa dalawang bahagi. Ang isa sa dalawa ay sa anyo ng pagtuturo ng kinakailangan na nauukol sa Relihiyon. Ito ay ipinag-uutos at kabilang sa uring ito ang mga tanong ng mga Kasamahan. Ang ikalawa ay sa anyo ng pangungulit at pagkukunwari. Ito ang sinasaway.
  7. Ang pagbibigay-babala sa Kalipunang ito laban sa pagsalungat sa Propeta nito, gaya ng naganap sa mga kalipunang bago nito.
  8. Ang dami ng pagtatanong kabilang sa hindi kinakailangan at ang pagsalungat sa mga propeta ay isang kadahilanan ng kapahamakan, lalo na sa mga bagay na hindi maaari ang pag-abot doon, tulad ng mga usapin ng nakalingid na walang nakaalam sa mga ito kundi si Allāh, at ng mga kalagayan sa Araw ng Pagbangon.
  9. Ang pagsaway laban sa pagtatanong hinggil sa matitindi sa mga usapin. Nagsabi si Imām Al-Awzā`īy: "Tunay na si Allāh, kapag nagnais Siya na magkait sa lingkod Niya ng biyaya ng kaalaman, ay naglalagay sa dila nito ng mga mali. Talaga ngang nakita ko sila bilang pinakakaunti sa mga tao sa kaalaman." Nagsabi naman si Ibnu Wahb: "Nakarinig ako kay Mālik na nagsasabi: Ang pakikipagtaltalan sa kaalaman ay nag-aalis ng liwanag ng kaalaman mula sa puso ng tao."
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Telugu Swahili Tamil Thailand Pushto Asami السويدية الأمهرية الهولندية الغوجاراتية Luqadda qer-qeesiya النيبالية Luqadda yuruuba الليتوانية الدرية الصربية الصومالية Luqadda kiniya ruwadiga الرومانية المجرية التشيكية الموري Luqadda malgaashka Luqadda Oromaha Luqadda kinaadiga الولوف Luqadda Asariga الأوكرانية الجورجية المقدونية
Paglalahad ng mga salin
Ang mga kategorya
  • . .
Ang karagdagan