+ -

عَنْ أَبِي بُرْدَةَ الْأَنْصَارِيِّ رَضيَ اللهُ عنهُ أَنَّهُ سَمِعَ رَسُولَ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ يَقُولُ:
«لَا يُجْلَدُ أَحَدٌ فَوْقَ عَشَرَةِ أَسْوَاطٍ إِلَّا فِي حَدٍّ مِنْ حُدُودِ اللهِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح مسلم: 1708]
المزيــد ...

Ayon kay Burdah Al-Anṣārīy (malugod si Allāh sa kanya): {Siya ay nakarinig sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Hindi maghahagupit ang isa higit sa sampung paglatigo maliban sa isang takdang parusa mula mga takdang parusa ni Allah."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح مسلم - 1708]

Ang pagpapaliwanag

Sumaway ang Propeta (s) na maghagupit ang isa ng higit sa sampung paglatigo maliban sa mga pagsuway. Ang tinutukoy sa nasaad dito mula sa Tagapagbatas ay hindi isang tinakdaang bilang ng hagupit o palo o kaparusahang inilalaan. Ang tinutukoy ay hindi palalabisan sa pagpalo ng pagdisiplina sa sampung hagupit gaya ng paghagupit sa maybahay at anak.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Malayalam Swahili Asami الأمهرية الهولندية
Paglalahad ng mga salin

من فوائد الحديث

  1. Ang mga takdang parusa ni Allah (t) na ipinag-utos Niya o sinaway Niya ay mga kaparusahang sumasawata, na maaaring itinakda mula sa Tagapagbatas o bumabalik sa pagtatakda ng mga ito sa kapakanan na nakikita ng tagapamahala.
  2. Ang pagdisiplina ay magaan ayon sa sukat ng pagpapanuto at pagpapangamba. Kaya hindi magdaragdag dito higit sa sampung hagupit kung nangailangan niyon. Ang pinakamarapat ay ang pagdisiplina sa kanila nang walang pananakit; bagkus sa pamamagitan ng pagpapanuto, pagtuturo, paggabay, at pagpapanabik. Ito ay higit na mapag-anyaya sa pagtanggap at kabaitan sa pagtuturo. Ang mga kalagayan sa katayuang ito ay nagkakaiba-iba nang marami kaya naman nararapat ang paggawa ng pinakaangkop.