+ -

عَنْ عَبْدِ اللَّهِ بْنِ عُمَرَ رَضِيَ اللَّهُ عَنْهُمَا: أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«إِنَّ أَحَدَكُمْ إِذَا مَاتَ عُرِضَ عَلَيْهِ مَقْعَدُهُ بِالْغَدَاةِ وَالعَشِيِّ، إِنْ كَانَ مِنْ أَهْلِ الجَنَّةِ فَمِنْ أَهْلِ الجَنَّةِ، وَإِنْ كَانَ مِنْ أَهْلِ النَّارِ فَمِنْ أَهْلِ النَّارِ، فَيُقَالُ: هَذَا مَقْعَدُكَ حَتَّى يَبْعَثَكَ اللَّهُ يَوْمَ القِيَامَةِ».

[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 1379]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay `Abdullāh bin `Umar (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Tunay na ang isa sa inyo, kapag namatay siya, ay ilalahad sa kanya ang upuan niya sa umaga at gabi. Kung siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso, kabilang siya sa mga maninirahan sa Paraiso; at kung siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, kabilang siya sa mga maninirahan sa Impiyerno; saka sasabihin: Ito ang upuan mo hanggang sa bumuhay sa iyo si Allāh sa Araw ng Pagbangon."}

[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 1379]

Ang pagpapaliwanag

Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang tao, kapag namatay siya, ay ilalahad sa kanya ang tuluyan niya at ang lugar niya na natatangi sa Paraiso o Impiyerno sa simula ng maghapon at wakas nito: ang lugar niya sa Paraiso kung siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Paraiso at ang lugar niya sa Impiyerno siya ay naging kabilang sa mga maninirahan sa Impiyerno, at sasabihin sa kanya: "Ito ang upuan mo na bubuhayin ka rito sa Araw ng Pagbangon." Sa gayon ay may ginhawa sa mananampalataya at may pagpaparusa sa tagatangging sumampalataya.

من فوائد الحديث

  1. Ang pagdurusa sa libingan at ang kaginhawahan doon ay totoo.
  2. Nagsabi si Ibnu Ḥajar: Tunay na ang paglalahad na ito sa mananampalatayang mapangilag magkasala at tagatangging sumampalataya ay hayag. Hinggil naman sa mananampalatayang nalilito, naisasaposibilidad din na maglahad sa kanya ng upuan niya sa Paraiso na hahantungan niya.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Telugu Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan