1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya

Ḥadīth Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kanino po ako magsasamabuting-loob?" Nagsabi siya: "Sa ina mo, pagkatapos sa ina mo, pagkatapos sa ina mo, pagkatapos sa ama mo, pagkatapos sa pinakamalapit, saka sa pinakamalapit."}

عَنْ بَهْزِ بْنِ حَكِيمٍ عَنْ أَبِيهِ عَنْ جَدِّهِ قَالَ:

قُلْتُ يَا رَسُولَ اللَّهِ: مَنْ أَبَرُّ؟ قَالَ: «أُمَّكَ، ثُمَّ أُمَّكَ، ثُمَّ أُمَّكَ، ثُمَّ أَبَاكَ، ثُمَّ الْأَقْرَبَ فَالْأَقْرَبَ».

Ang saling ito ay nangangailangan ng dagdag na pagrerepaso at pag-eeksakto..

Ayon kay Bahz bin Ḥakīm, ayon sa ama niya na nagsabi:
Nagsabi ako: "O Sugo ni Allāh, kanino po ako magsasamabuting-loob?" Nagsabi siya: "Sa ina mo, pagkatapos sa ina mo, pagkatapos sa ina mo, pagkatapos sa ama mo, pagkatapos sa pinakamalapit, saka sa pinakamalapit."}

Maganda Nagsalaysay nito sina Imām Abū Dāwud, Imām At-Tirmidhīy, at Imām Aḥmad Sunan Abī Dāwud - 5139

Ang Pagbibigay-linaw

Naglinaw ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang pinakamarapat pag-ukulan sa mga tao ng pagsasamabuting-loob, paggawa ng maganda, kagandahan ng pakikitungo, kaayahan ng pakikisalamuha, pakikisama, at pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak ay ang ina. Nagbigay-diin siya sa karapatan ng ina higit sa iba sa pamamagitan ng pag-ulit nang tatlong beses para sa paglilinaw ng kainaman nito higit sa nalalabi sa mga tao nang walang eksepsiyon. Pagkatapos nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang naglilinaw kung sino ang sumusunod sa ina sa pag-uukol ng pagsasamabuting-loob: pagkatapos sa ama mo, pagkatapos sa pinakamalapit, saka sa pinakamalapit sa mga may ugnayang pangkaanak. Sa tuwing ito ay nagiging higit na malapit, ito ay magiging higit na marapat sa pagpapanatili ng ugnayang pangkaanak kaysa sa higit na malayo.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang ḥadīth ay nagsasaad ng pag-uuna sa ina, pagkatapos sa ama, pagkatapos sa pinakamalapit saka pinakamalapit alinsunod sa mga antas nila sa kalapitan.
  2. Ang paglilinaw sa katayuan ng mga magulang at ng ina, lalo na.
  3. Naulit-ulit sa ḥadīth ang pagsasamabuting-loob sa ina nang tatlong ulit. Iyon ay dahil sa kabutihang-loob niya sa mga anak niya dahil sa dami ng pinapasan niya na pabigat, pagod, at hirap ng dinadala, pagkatapos pagsisilang, pagkatapos pagpapasuso, na namumukod-tangi dahil sa mga ito ang ina, pagkatapos nakikilahok pa siya sa ama sa pagpapalaki.

Ang Paglalahad ng mga Salin

43 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ID Indonesia الإندونيسية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
TA தமிழ் التاميلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
SV Svenska السويدية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
MG Malagasy المالاجاشية
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
WO Wolof الولوف
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية
Ang mga Kategorya