عَنْ أَبِي الْجَعْدِ الضَّمْرِيِّ رَضيَ اللهُ عنهُ، وَكَانَتْ لَهُ صُحْبَةٌ، أَنَّ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَنْ تَرَكَ ثَلَاثَ جُمَعٍ تَهَاوُنًا بِهَا طَبَعَ اللَّهُ عَلَى قَلْبِهِ».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي والنسائي وابن ماجه وأحمد] - [سنن أبي داود: 1052]
المزيــد ...
Ayon kay Abu Al-Ja`d Aḍ-Ḍamrīy (malugod si Allāh sa kanya), na nagkaroon ng pagkakasamahan [ng Propeta]: {Ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi:
"Ang sinumang nag-iwan ng tatlong [ṣalāh sa] Biyernes dala ng pagwawalang-bahala, magpipinid si Allāh sa puso niya."}
[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 1052]
Nagbigay-babala ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na ang sinumang nag-iwan ng ṣalāh sa Biyernes nang tatlong ulit dala ng pagwawalang-bahala at dala ng pagkukulang nang walang maidadahi-dahilan, magpapasak at magtatakip si Allāh sa puso niya sa pamamagitan ng paghadlang sa pagpapaabot na kabutihan sa kanya.