عَنْ عُقْبَةَ بْنِ عَامِرٍ رَضيَ اللهُ عنهُ قَالَ: قَالَ لِي رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ:
«أُنْزِلَ -أَوْ أُنْزِلَتْ- عَلَيَّ آيَاتٌ لَمْ يُرَ مِثْلُهُنَّ قَطُّ، الْمُعَوِّذَتَيْنِ».
[صحيح] - [رواه مسلم] - [صحيح مسلم: 814]
المزيــد ...
Ayon kay `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nagsabi sa akin ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan):
"May pinababa sa akin na mga tanda na hindi nakita ang tulad ng mga ito kailanman, ang dalawang tagapagpakupkop."}
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim] - [صحيح مسلم - 814]
Nagpabatid si `Uqbah bin `Āmir (malugod si Allāh sa kanya) na ang Propeta (basbasan ito ni Allāh at pangalagaan) ay nagsabi sa kanya: "Nagpababa si Allāh sa akin kagabi ng mga tanda na hindi nakita ang tulad ng mga ito kailanman." Tinutukoy niya ang paghiling ng pagkupkop, ang dalawang tagapagpakupkop: ang kabanatang: {Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng bukang-liwayway ...} at ang kabanatang: {Sabihin mo: "Nagpapakupkop ako sa Panginoon ng mga tao, ...}