عَنِ ابْنِ عَبَّاسٍ رضي الله عنهما عَنِ النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ قَالَ:
«مَنْ عَادَ مَرِيضًا، لَمْ يَحْضُرْ أَجَلُهُ فَقَالَ عِنْدَهُ سَبْعَ مِرَارٍ: أَسْأَلُ اللَّهَ الْعَظِيمَ رَبَّ الْعَرْشِ الْعَظِيمِ أَنْ يَشْفِيَكَ، إِلَّا عَافَاهُ اللَّهُ مِنْ ذَلِكَ الْمَرَضِ».
[صحيح] - [رواه أبو داود والترمذي وأحمد] - [سنن أبي داود: 3106]
المزيــد ...
Ayon kay Ibnu `Abbās (malugod si Allāh sa kanilang dalawa): {Ayon sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsabi:
{Ang sinumang dumalaw sa isang maysakit na hindi pa dumating dito ang taning nito, saka nagsabi sa piling nito ng pitong ulit: "As’alu -llāha -l`aḍ̆īma rabba -l`arshi -l`aḍ̆īmi an yashfiyak. (Hinihiling ko kay Allāh, ang Sukdulan, ang Panginoon ng tronong sukdulan, na pagalingin ka nawa Niya)"}
[Tumpak] - - [سنن أبي داود - 3106]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na walang Muslim na dumadalaw sa isang Muslim sa pagkakasakit nito na hindi pa dumating dito ang kamatayan nito, dumalangin ang tagadalaw sa maysakit sa pamamagitan ng pagsabi ng: "As’alu -llāha -l`aḍ̆īma (Hinihiling ko kay Allāh, ang Sukdulan)" sa sarili Niya, mga katangian Niya, at mga gawain Niya; "rabba -l`arshi -l`aḍ̆īmi an yashfiyak. (ang Panginoon ng tronong sukdulan, na pagalingin ka nawa Niya)" at umulit niyon dito nang pitong ulit, malibang magpapagaling si Allāh dito mula sa sakit.