1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ḥadīth Tunay na ako ay hindi nakikipagkamayan sa mga babae. Ang sabi ko lamang sa isandaang babae ay gaya ng sabi ko sa iisang babae

عَنْ أُمَيْمَةَ بِنْتِ رُقَيْقَةَ رضي الله عنها أَنَّهَا قَالَتْ:
أَتَيْتُ النَّبِيَّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فِي نِسْوَةٍ مِنَ الْأَنْصَارِ نُبَايِعُهُ، فَقُلْنَا: يَا رَسُولَ اللَّهِ، نُبَايِعُكَ عَلَى أَلَّا نُشْرِكَ بِاللَّهِ شَيْئًا، وَلَا نَسْرِقَ، وَلَا نَزْنِيَ، وَلَا نَأْتِيَ بِبُهْتَانٍ نَفْتَرِيهِ بَيْنَ أَيْدِينَا وَأَرْجُلِنَا، وَلَا نَعْصِيَكَ فِي مَعْرُوفٍ، قَالَ: «فِيمَا اسْتَطَعْتُنَّ، وَأَطَقْتُنَّ» قَالَتْ: قُلْنَا اللَّهُ وَرَسُولُهُ أَرْحَمُ بِنَا، هَلُمَّ نُبَايِعْكَ يَا رَسُولَ اللَّهِ، فَقَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «إِنِّي لَا أُصَافِحُ النِّسَاءَ، إِنَّمَا قَوْلِي لِمِائَةِ امْرَأَةٍ كَقَوْلِي لِامْرَأَةٍ وَاحِدَةٍ، أَوْ مِثْلُ قَوْلِي لِامْرَأَةٍ وَاحِدَةٍ».

Ang saling ito ay nangangailangan ng dagdag na pagrerepaso at pag-eeksakto..

Ayon kay Umaymah bint Ruqayyah (malugod si Allāh sa kanya), siya ay nagsabi:
{Pumunta ako sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) kasama ng mga babaing kabilang sa Anṣār, na mangangako ng katapatan sa kanya, kaya nagsabi kami: "O Sugo ni Allāh, nangangako kami ng katapatan sa iyo na hindi kami magtambal kay Allāh ng anuman, hindi kami magnakaw, hindi kami mangalunya, hindi kami magdala ng isang kasiraang-puri na ginagawa-gawa namin sa pagitan ng mga kamay namin at mga paa namin, hindi kami sumuway sa iyo sa isang nakabubuti." Nagsabi siya: "Sa anumang magagawa ninyo at makakaya ninyo."} Nagsabi siya: {Nagsabi kami: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maawain sa amin. Halina, mangangako kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh." Kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay hindi nakikipagkamayan sa mga babae. Ang sabi ko lamang sa isandaang babae ay gaya ng sabi ko sa iisang babae o tulad ng sabi ko sa iisang babae."}

Tumpak Nagsalaysay nito sina Imām At-Tirmidhīy, Imām An-Nisā'īy, at Imām Ibnu Mājah Sunan An-Nasā'īy - 4181

Ang Pagbibigay-linaw

Nagpabatid si Umaymah bint Ruqayyah (malugod si Allāh sa kanya) na siya ay pumunta sa Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) habang may kasama sa kanya na mga babaing kabilang sa Anṣār, na mangangako ng katapatan sa kanya na hindi sila magtambal kay Allāh ng anuman, hindi sila magnakaw, hindi sila mangalunya, hindi sila magdala ng isang kasiraang-puri na ginagawa-gawa nila sa pagitan ng mga kamay nila at mga paa nila, hindi sila sumuway sa kanya sa isang nakabubuti." Nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sa anumang magagawa ninyo at makakaya ninyo." Nagsabi kami: "Si Allāh at ang Sugo Niya ay higit na maawain sa amin. Halika, mangangako kami ng katapatan sa iyo, O Sugo ni Allāh, sa pamamagitan ng pakikipaghawakan ng mga kamay gaya ng ginagawa ng mga lalaki." Kaya nagsabi siya (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Tunay na ako ay hindi nakikipagkamayan sa mga babae. Ang sabi ko at ang pangako ng katapatan sa akin lamang sa isandaang babae ay gaya ng sabi ko sa iisang babae.

Ang mga Katuturan ng Ḥadīth

  1. Ang Paglilinaw sa Pamamaraan ng Pangako ng Katapatan sa Propeta (Basbasan Siya ni Allāh at Pangalagaan)
  2. Ang Pagbabawal sa Pakikipagkamayan sa mga Babaing HIndi mga Maḥram
  3. Ang mga pag-aatang ng tungkuling legal ay nakasalalay sa makakaya at magagawa.

Ang Paglalahad ng mga Salin

35 Ang Wika
EN English الإنجليزية
ID Indonesia الإندونيسية
BN বাংলা البنغالية
TR Türkçe التركية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية
ML മലയാളം المليالم
TE తెలుగు التلغو
SW Kiswahili السواحيلية
MY မြန်မာ البورمية
TH ไทย التايلندية
PS پښتو بشتو
AS অসমীয়া الأسامية
SQ Shqip الألبانية
AM አማርኛ الأمهرية
NL Nederlands الهولندية
GU ગુજરાતી الغوجاراتية
PRS دری الدرية
SR Српски الصربية
RO Română الرومانية
HU Magyar المجرية
MOS Moore الموري
KN ಕನ್ನಡ الكانادا
UK Українська الأوكرانية
KA ქართული الجورجية
MK Македонски المقدونية
KM ភាសាខ្មែរ الخميرية
PA ਪੰਜਾਬੀ البنجابية
MR मराठी الماراثية