+ -

عَنْ أَبِي سَعِيدٍ الخُدْرِيِّ رَضيَ اللهُ عنهُ:
أَنَّ رَجُلًا سَمِعَ رَجُلًا يَقْرَأُ: {قُلْ هُوَ اللَّهُ أَحَدٌ} يُرَدِّدُهَا، فَلَمَّا أَصْبَحَ جَاءَ إِلَى رَسُولِ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَذَكَرَ ذَلِكَ لَهُ، وَكَأَنَّ الرَّجُلَ يَتَقَالُّهَا، فَقَالَ رَسُولُ اللَّهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «وَالَّذِي نَفْسِي بِيَدِهِ إِنَّهَا لَتَعْدِلُ ثُلُثَ القُرْآنِ».

[صحيح] - [رواه البخاري] - [صحيح البخاري: 5013]
المزيــد ...

Ang saling ito ay nangangaiangan ng daddag na pagrerepaso at pagtutumpak..

Ayon kay Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi:
{May isang lalaking nakarinig ng isang lalaking bumibigkas ng (Qur'ān 112): {Qul huwa -llāh aḥad, ... (1. Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay Kaisa-isa. ...)}, na nag-uulit-ulit nito. Noong kinaumagahan, pumunta ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka bumanggit ito niyon sa kanya. Para bang ang lalaki ay nagmamaliit niyon, kaya nagsabi ang Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan): "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ito ay talagang nakatutumbas sa isang katlo ng Qur'ān."}

[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy] - [صحيح البخاري - 5013]

Ang pagpapaliwanag

Bumanggit si Abū Sa`īd Al-Khudrīy (malugod si Allāh sa kanya) na may isang lalaking nakarinig ng ibang lalaking bumibigkas ng Kabanatang (Qur'ān 112): {Qul huwa -llāhu aḥad, ... (1. Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay Kaisa-isa. ...)}, na nag-uulit-ulit nito sa buong gabi habang hindi nagdaragdag dito. Kaya noong kinaumagahan, pumunta ito sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) saka bumanggit ito niyon sa kanya. Para bang ang nagtatanong ay nagtuturing na iyon ay kakaunti, kaya nagsabi ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) ng isang panunumpa ayon sa kahulugan ng pagbibigay-diin: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, tunay na ito ay talagang nakapapantay sa isang katlo ng Qur'ān."

من فوائد الحديث

  1. Ang kainaman ng Kabanatang Al-Ikhlāṣ at na ito ay nakatutumbas sa isang katlo ng Qur'ān.
  2. Ang pagpayag sa pagbigkas sa pagdarasal sa gabi (qiyāmullayl) kahit pa man ng madali sa mga āyah, pag-uulit-ulit sa mga ito, at hindi pagmamaliit niyon.
  3. Nagsabi si Al-Māzirīy: Sinabi: Ang kahulugan nito ay na ang Qur'ān ay nasa tatlong aspeto: mga kasaysayan, mga patakaran, at mga katangian ni Allāh (napakataas Siya). Ang (Qur'ān 112): {Qul huwa -llāh aḥad, ... (1. Sabihin mo: "Siyang si Allāh ay Kaisa-isa. ...)} ay dinalisay, ibig sabihin, para sa mga katangian ni Allāh. Ito ay isang katlo: isang bahagi mula sa tatlong bahagi. Sinasabi: Ang kahulugan nito na ang gantimpala ng pagbigkas nito ay nag-iibayo ayon sa sukat ng gantimpala ng pagbigkas ng isang katlo ng Qur'ān nang walang pagpapaibayo.
Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Sinhala Vietnamese Kurdish Hausa Portuges Swahili Thailand Asami الأمهرية الهولندية الغوجاراتية الدرية الرومانية المجرية الجورجية المقدونية الخميرية الماراثية
Paglalahad ng mga salin