«يَقْبِضُ اللَّهُ الأَرْضَ، وَيَطْوِي السَّمَوَاتِ بِيَمِينِهِ، ثُمَّ يَقُولُ: أَنَا المَلِكُ، أَيْنَ مُلُوكُ الأَرْضِ».
[صحيح] - [متفق عليه] - [صحيح البخاري: 4812]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah (malugod si Allāh sa kanya) na nagsabi: {Nakarinig ako sa Sugo ni Allāh (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na nagsasabi:
"Dadakutin ni Allāh ang lupa at tutupiin Niya ang mga langit sa kanang kamay Niya. Pagkatapos magsasabi Siya: Ako ang Hari. Nasaan ang mga hari ng lupa?"}
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan] - [صحيح البخاري - 4812]
Nagpabatid ang Propeta (basbasan siya ni Allāh at pangalagaan) na si Allāh (napakataas Siya) sa Araw ng Pagbangon ay dadaklot sa lupa at magtitipon nito, magtutupi ng langit sa kanang kamay Niya, magbabalot ng isang bahagi nito sa ibabaw ng isang bahagi, mag-aalis nito, at pupuksa rito. Pagkatapos magsasabi Siya: "Ako ang Hari. Nasaan ang mga hari ng lupa?"}