+ -

عن أبي نَضْرَة، قال: كنا عند جابر بن عبد الله فقال: يُوشِك أهلُ العراق أن لا يُجبى إليهم قَفِيز ولا درهم، قلنا: من أين ذاك؟ قال: من قِبل العَجَم يمنعون ذاك، ثم قال: يُوشك أهل الشام أن لا يُجبى إليهم دينار ولا مُدْي، قلنا: من أين ذاك؟ قال: من قِبل الروم، ثم سكت هُنيَّة، ثم قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم: «يكون في آخر أمتي خليفة يَحثي المال حَثْيا، لا يَعُدُّه عددا» قال قلتُ لأبي نَضرَة وأبي العلاء: أتَرَيان أنه عمر بن عبد العزيز، فقالا: لا.
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...

Ayon kay Abe Nadhrah,Siya ay nagsabi:Kami ay nasa kay Jaber bin `Abdillah,nagsabi siya:Malapit nang mangyari na ang mga Tao sa `Iraq ay hindi maiipon sa kanila ang timbang at ang Dirham,Nagsabi kami:Saan ang mga ito? Nagsabi siya:Sa pamamagitan ng mga Hindi Arabo,pipigilan nila ito,Pagkatapos ay nagsabi siya:Malapit nang mangyari na ang mga Tao sa Sham ay hindi maiipon sa kanila ang Dinar at ang timbang,Nagsabi kami:Saan ang mga ito? Nagsabi siya:Sa pamamagitan ng mga Roma,Pagkatapos ay natahimik ang mga ilan [sa kanila],Pagkatapos ay nagsabi siya:Sinabi ng Sugo ni Allah-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-Na sa Huling Ummah na ito ay magkakaroon ng isang Khalifah, na mamamahagi ng yaman nang [napakaraming] pamamahagi at hindi niya ito binibilang))Nagsabi siya: Sinabi ko kay Abe Nadhrah at Abe Al-`Ula: Naiisip ba ninyo na siya si `Umar bin `Abdul-`Aziz,Ang sabi nilang dalawa: Hindi.
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]

Ang pagpapaliwanag

Ipinapahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na ang mga Muslim ay magtatagumpay sa `Iraq,at maglalagay rito ng sukat na panukat at panimbang na gagamitin para sa mga Muslim,at mapipigilan ito sa pagdating ng huling panahon,,Ito ay dahil sa pamumuno ng Hindi mananampalataya na hindi Arabo,sa lugar na ito,Pipigilan nila ang pagdating ng mga kayamanang ito sa mga Muslim,At ipinapahayag din niya na ang mga Muslim ay magtatagumpay sa Sham,,at maglalagay rito ng sukat na panukat at panimbang na gagamitin para sa mga Muslim,at mapipigilan ito sa pagdating ng huling panahon,,Ito ay dahil sa pamumuno ng taga Roma,sa lugar na ito,Pipigilan nila ang pagdating ng mga kayamanang ito sa mga Muslim,At ipinahayag niya -pagpalain siya ni Allah at pangalagaan na sa Huling Ummah na ito ay magkakaroon ng isang Khalifah, na mamamahagi ng yaman na hindi niya ito binibilang,Ibig sabihin:Dahil sa dami nito at lawak nang kanyang Naipagtagumpay,itinatapon niya ang pera sa mga tao gamit ang kamay niya tulad ng pagtapon niya ng alikabok,kapag itinapon niya ito sa dalawang kamay niya.At sinasabi ng nagsalaysay na nagtanong ang ilan sa mga may karunungan mula sa mga Tabi`en:Ang Khalifah bang ito ay si `Umar bin `Abdul-`Azizi? Nagsabi sila: Hindi.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan