1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ḥadīth Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah.

عن عائشة رضي الله عنها قالت: كان رسولُ اللهِ صلى الله عليه وسلم إذا فَاتَتْهُ الصَّلَاةُ مِنَ الليلِ مِن وَجَعٍ أَوْ غَيْرِهِ، صَلَّى من النَّهَارِ ثِنْتَيْ عَشْرَةَ رَكْعَةً.

Ayon kay `Ā'ishah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: "Ang Sugo ni Allah, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag nakaalpas sa kanya ang dasal sa gabi dahil sa sakit o iba pa rito, nagdarasal siya sa maghapon ng labindalawang rak`ah."

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim

Ang Pagbibigay-linaw

Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, kapag hindi nakapagsagawa ng dasal sa gabi dahil sa isang sakit o iba pa rito, ay nagdarasal sa araw ng labindalawang rak`ah dahil siya noon, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagdarasal ng witr na labing-isang rak`ah. Kapag lumipas ang gabi at hindi siya nakapagdasal ng witr dahil sa pagkatulog o kahawig nito, binabayaran niya ang dasal na ito; subalit kapag nakaalpas ang oras ng witr, ang itinatagubilin ay gawin niya ito bilang isang dasal na tukol.

Ang Paglalahad ng mga Salin

16 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا
PT Português البرتغالية