1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya
  3. Ang Pag-aanyaya at ang Pagpapanagot

Ḥadīth Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa gabi at bumigat ang pagbigkas ng Qur'ān sa dila niya kaya hindi niya nalaman ang sinasabi niya, matulog muna siya.

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «إذا قَام أحَدُكُم من الليل، فَاسْتَعْجَمَ القرآن على لِسَانه، فلم يَدْرِ ما يقول، فَلْيَضْطَجِع».

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, na nagsabi: Nagsabi ang Sugo ni Allāh, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Kapag nagdasal ang isa sa inyo sa gabi at bumigat ang pagbigkas ng Qur'ān sa dila niya kaya hindi niya nalaman ang sinasabi niya, matulog muna siya."

Tumpak Nagsalaysay nito si Imām Muslim

Ang Pagbibigay-linaw

Ang kahulugan ng ḥadīth: Kapag ang tao ay nasa pagdarasal at mahirap sa kanya ang pagbigkas ng Qur'ān dahil sa pananaig ng antok sa kanya hanggang sa nangyaring hindi na niya nalalaman ang sinasabi niya ay matulog muna siya hanggang sa mawala sa kanya ang antok upang hindi niya mabago at mapalitan ang salita ni Allāh. Marahil siya ay makapagsabi pa ng hindi ipinahihintulot gaya ng pagbaliktad sa mga kahulugan ng Qur'ān at paglilihis sa mga salita nito. Baka pa dumalangin siya laban sa sarili niya. Nasaad sa Ṣaḥīh Al-Bukhārīy ayon kay Anas, malugod si Allāh sa kanya: "Kapag inantok ang isa sa inyo sa dasal ay matulog siya upang malaman niya ang binibigkas niya."

Ang Paglalahad ng mga Salin

15 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
UG ئۇيغۇرچە الأيغورية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
KU Kurdî الكردية
HA Hausa الهوسا