عَنْ ابْنِ عَبَّاسٍ رضي الله عنهما قال: «قال النبي صلى الله عليه وسلم لجبريل: «مَا يَمْنَعُك أَنْ تَزُورَنَا أَكْثَر مِمَّا تَزُورَنَا؟» فنزلت: (وَمَا نَتَنَزَّل إِلاَّ بِأَمْرِ رَبِّكَ لَهُ مَا بَيْنَ أَيدِينَا وَمَا خَلْفَنَا وَمَا بَينَ ذَلِك ).
[صحيح] - [رواه البخاري]
المزيــد ...
Ayon kay Ibn `Abbas-malugod si Allah sa kanilang dalawa-Hadith na Marfu-:((Nagsabi ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-kay Jibrel :((Ano ang pumipigil sa iyo sa pagbisita sa amin nang mas maraming beses sa pagbisita mo sa amin?)) Kaya ibinaba [ang talatang] (At kami na mga Anghel ay hindi bumababa maliban na mapag-utusan ng iyong Panginoon [O Muhammad],Sa Kanya ang pag-aangkin [ng lahat] ng nasa aming harapan,at lahat nang nasa aming likuran,at anuman ang nasa pagitan ng dalawang ito)) [Maryam:64]
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām Al-Bukhārīy]
Ipinapaliwanag ng Hadith ang pananabik ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa kapatid niyang si Jibrel-Sumakanya ang pangangalaga-sapagkat siya ay dumarating mula sa [kapahintulutan] ni Allah-Kamahal-mahalan Siya at Kapita-pitagan,ito ay dahil sa naging mabagal si Jibrel sa pagbaba sa loob ng apatnapong araw,Nagsabi sa kanya ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-: O Jibrel:((Ano ang pumipigil sa iyo sa pagbisita sa amin?!)) Ibig sabihin ay: Hindi ka bumababa hanggat hindi ako nanabik sa iyo,Nagsabi si Jibrel:Ako ay nanabik sa iyo,ngunit ako ay utusan lamang,at ipinahayag ni Allah kay Jibrel na sabihin sa kanya:(At kami na mga Anghel ay hindi bumababa maliban na mapag-utusan ng iyong Panginoon [O Muhammad]) Ibig sabihin ay ;sinabi ni Allah-Napakamaluwalhati Niya,Sabihin mo O Jibrel:Hindi kami bumababa sa malayuang pagitan ng oras maliban sa kapahintulutan ni Allah sa mga itinakda Niya sa Karunungan Niya, Siya-Napakamaluwalhati Niya: (Sa Kanya ang pag-aangkin [ng lahat] ng nasa aming harapan) ibig sabihin:Sa harapan namin mula sa mga bagay sa Kabilang-buhay,(at [lahat] nang nasa aming likuran) mula sa mga maka-mundong bagay,at sa ganap na talata "At anuman ang nasa pagitan ng dalawang ito" Ibig sabihin: Anuman ang nasa mga oras na ito hanggang sa Huling oras,Ibig sabihin:Sa kanya ang ganap na kaalaman ng lahat ng mga bagay na ito,At hindi nakakalimot ang Iyong Panginoon;Nakakalimot,ibig sabihin ay,Nag-iiwan sa iyo,dahil sa pag-antala ng Kapahayagan sa iyo,Kaya ibig sabihin ang Hadith na ito ay nagpapatunay na tunay na nararapat sa sangkatauhan na makipag-kaibigan sa mga may mabuting kalooban,at bisitahin sila at bisitahin nila siya,dahil sa napapaloob rito na mga kabutihan.