1. Ang Pangunahin
  2. Ang mga Kategorya
  3. Ang Fiqh at ang mga Batayan Nito

Ḥadīth Ahem, manatili kayo sa nakakaya ninyo; sapagkat sumpa man kay Allah, hindi nanghihinawa si Allah hanggang sa manghinawa kayo. Ang pinakakaibig-ibig na pagrerelihiyon sa Kanya ay ang pinamamalagi ng nagsasagawa nito.

عن عائشة رضي الله عنها : أن النبي صلى الله عليه وسلم دخل عليها وعندها امرأة، قال: «من هذه؟» قالت: هذه فلانة تذكر من صلاتها. قال: «مَهْ، عليكم بما تطيقون، فوالله لا يَمَلُّ الله حتى تَمَلُّوا» وكان أحب الدين إليه ما داوم صاحبه عليه.

Ayon kay `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanilang dalawa: "Ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay pumasok sa silid nito at sa piling nito ay may isang babae. Nagsabi siya: Sino ito? Nagsabi ito: Ito ay si Polana. Binabanggit nito ang [dami ng] pagdarasal nito. Nagsabi siya: "Ahem, manatili kayo sa nakakaya ninyo; sapagkat sumpa man kay Allah, hindi nanghihinawa si Allah hanggang sa manghinawa kayo. Ang pinakakaibig-ibig na pagrerelihiyon sa Kanya ay ang pinamamalagi ng nagsasagawa nito."

Tumpak Napagkaisahan ang katumpakan

Ang Pagbibigay-linaw

Dinalaw ng isang babae si `Ā’ishah, malugod si Allah sa kanya, at binanggit nito sa kanya ang dami ng dasal niya. Binanggit naman ni `Ā’ishah iyon sa Sugo ni Allah, malugod si Allah sa kanya, kaya ipinagbawal niya sa atin ang pagpapalabis-labis sa pagsamba at pag-aatang sa sarili ng hindi nakakaya nito. Ipinabatid niya rito na si Allah ay hindi makikitungo sa inyo ng pakikitungo ng panghihinawa hanggang sa manghinawa kayo at itigil ninyo ang pagsamba. Nararapat sa inyo na gawin ang makakayang panatiliin upang manatili ang gantimpala Niya sa inyo at ang kabutihang-loob Niya sa inyo.

Ang Paglalahad ng mga Salin

16 Ang Wika
EN English الإنجليزية
UR اردو الأوردية
ES Español الإسبانية
ID Indonesia الإندونيسية
BN বাংলা البنغالية
FR Français الفرنسية
TR Türkçe التركية
RU Русский الروسية
BS Bosanski البوسنية
SI සිංහල السنهالية
HI हिन्दी الهندية
ZH 中文 الصينية
FA فارسی الفارسية
VI Tiếng Việt الفيتنامية
KU Kurdî الكردية
TA தமிழ் التاميلية