+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قالَ: قالَ رَسُولُ اللَّه -صَلّى اللهُ عَلَيْهِ وسَلَّم-: «والذي نفسي بيده لا تذهب الدنيا حتى يمر الرجل على القبر، فَيَتَمَرَّغَ عليه ويقول: يا ليتني كنت مكان صاحب هذا القبر، وليس به الدِّينُ، ما به إلا البلاء».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Sumpa man sa Kanya na ang kaluluwa ko ay nasa kamay Niya, hindi papanaw ang Mundo hanggang sa maparaan ang lalaki sa isang puntod at magpapagulong-gulong sa ibabaw nito at magsasabi: "O kung sana ako ay nasa kinalalagyan ng nakalibing sa puntod na ito." Wala siyang [dahilan mula sa] relihiyon; wala siyang [dahilan] kundi ang kasawian."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Ipinababatid sa atin ng Marangal na Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, na sa huling panahon ay mapararaan ang lalaki sa isang puntod ng tao at magpapagulong-gulong siya sa alabok nito. Nanaisin niya na malagay roon dahil sa dumapo sa kanya na mga paghihirap sa mundo at dahil sa dami ng mga tukso at mga pagsubok. Mimithiin niya iyon dahil ang patay ay nakapahinga na sa pahirap ng Mundo at pasakit nito. Hindi nasaad sa hadith ang pagmimithi ng kamatayan. Ito ay pagpapabatid lamang hinggil sa mangyayari sa huling panahon.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Vietnamese Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan