+ -

عن جابر بن عبد الله رضي الله عنهما ، قال: أقبل سعد، فقال النبي صلى الله عليه وسلم : «هذا خالي فليُرِني امرؤٌ خالَه».
[صحيح] - [رواه الترمذي]
المزيــد ...

Mula kay Jābir bin `Abdillāh -malugod si Allah sa kanilang dalawa- nagsabi: Tumungo si Sa'ad, kaya nagsabi ang Propeta (pagpalain siya ni Allah at pangalagaan): ((eto ay aking tiyuhin kaya ipakita sa akin ng lalaki ang kanyang tiyuhin)).
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni At-Tirmidhīy]

Ang pagpapaliwanag

Dumating si Sa'ad Bin Abi Waqqas sa pag-pupulong ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- kaya nang nakita siya ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- ay sinabi niya: eto ang aking tiyuhin ipagyayabang ko, kaya't ipakita sa akin ng sinumang lalaki ang kanyang tiyuhin; nang sa ganon maipamalas niya na wala ninuman isang tiyuhin na katulad ng aking tiyuhin, at si Sa'ad ay mula sa Banu Zahra at ang nanay ng Propeta -Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan- na si Aminah ay mula sa Banu Zahra din, kaya siya ay kamag-anak ni Aminah, at ang mga kamag-anak ng nanay ay mga tiyuhin.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Bosniyo Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Hausa
Paglalahad ng mga salin
Ang karagdagan