عن عمر بن الخطاب رضي الله عنه : أن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «إن اللهَ يَرفعُ بهذا الكِتابِ أقْواماً ويَضَعُ به آخَرِينَ».
[صحيح] - [رواه مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na si Allah ay nag-aangat ng mga tao sa pamamagitan ng Aklat na ito at nagbababa ng mga iba sa pamamagitan nito."
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim]
Ayon kay `Umar bin Al-Khaṭṭāb, malugod si Allah sa kanya, ang Propeta, pagpalain siya ni Allah at pangalagaan, ay nagsabi: "Tunay na si Allah ay nag-aangat ng mga tao sa pamamagitan ng Aklat na ito at nagbababa ng mga iba sa pamamagitan nito." Nangangahulugan ito na ang Qur'an na ito ay tinatangkilik ng mga taong bumibigkas nito at bumabasa nito. Mayroon sa kanilang inaangat ni Allah sa pamamagitan nito sa Mundo at Kabilang-buhay. Mayroon sa kanilang ibinababa ni Allah sa pamamagitan nito sa Mundo at Kabilang-buhay. Ang sinumang gumawa ayon sa Qur'an na ito bilang pagpapatotoo sa mga nilalaman nito, bilang pagpapatupad sa mga kautusan nito, bilang pag-iwas sa mga sinasaway nito, bilang gabay na gumagabay sa kanya, at bilang pagsasaasal sa ihinatid nito na mga kaasalan na pawang mga kaasalang mabuti, tunay na si Allah, pagkataas-taas NIya, ay mag-aangat sa kanya sa pamamagitan nito sa Mundo at Kabilang-buhay. Iyon ay dahil sa ang Qur'an na ito ay ang ugat ng kaalaman at ang bukal ng kaalaman at lahat ng kaalaman. Nagsabi nga si Allah, pagkataas-taas Niya: "iaangat ni Allah sa mga antas ang mga sumampalataya na kabilang sa inyo at ang mga binigyan ng kaalaman." (Qur'an 58:11) Sa Kabilang-buhay naman, mag-aangat si Allah sa pamamagitan nito ng mga tao sa mga Paraiso ng Lugod. Ang mga ibababa naman ni Allah ay mga taong nagbabasa ng Qur'an at hinuhasayan ang pagbabasa nito ngunit sila ay nagmamalaki rito - magpakupkop kay Allah - hindi naniniwala sa mga nilalaman nito at hindi isinasagawa ang mga patakaran nito. Nagmamalaki sila rito sa gawa at ikinakaila nila ito sa nilalaman nito. Kapag dinatnan sila ng anuman mula sa Qur'an gaya ng mga kasaysayan ng mga naunang propet o iba pa sa kanila o tungkol sa Kabilang-buhay o anumang nakawangis niyon, sila - magpakupkop kay Allah - ay nagdududa roon at hindi sumasampalataya. Marahil ihahatid pa sila ng kalagayan sa pagkakaila gayong sila ay nagbabasa ng Qur'an. Sa mga patakaran ng Qur'an ay nagmamalaki sila at hindi sumusunod sa ipinag-uutos nito at hindi tumitigil sa sinasaway nito. Ang mga ito ay ibababa ni Allah sa Mundo at Kabilang-buhay - magpakupkop kay Allah. Tingnan: Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn: 645-647-4.