+ -

عن أبي هريرة رضي الله عنه قال: قال رسول الله صلى الله عليه وسلم : «إِذَا نُودِيَ بالصَّلاَةِ، أدْبَرَ الشَّيْطَانُ، وَلَهُ ضُرَاطٌ حَتَّى لاَ يَسْمَعَ التَّأذِينَ، فَإذَا قُضِيَ النِّدَاءُ أقْبَلَ، حَتَّى إِذَا ثُوِّبَ للصَّلاةِ أدْبَرَ، حَتَّى إِذَا قُضِيَ التَّثْوِيبُ أقْبَلَ، حَتَّى يَخْطِرَ بَيْنَ المَرْءِ وَنَفْسِهِ، يَقُولُ: اذْكُرْ كَذَا واذكر كَذَا - لِمَا لَمْ يَذْكُر مِنْ قَبْلُ - حَتَّى يَظَلَّ الرَّجُلُ مَا يَدْرِي كَمْ صَلَّى».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...

Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Kapag nanawagan para sa pagdarasal, tumatalikod ang demonyo at mayroon siyang utot upang hindi niya marinig ang pananawagan. Kapag natapos ang panawagan, humaharap siya hanggang sa kapag isinagawa na ang iqāmah, tumatalikod siya hanggang sa kapag natapos na ang iqāmah, humaharap siya hanggang sa manligalig siya sa pagitan ng tao at sarili nito. Sinasabi niya: 'Alalahanin mo ang ganito at alalahanin mo ang gayon,' para sa hindi niya naalaala noong una hanggang sa manatili ang lalaki na hindi nakaaalam kung ilan ang dinasal nito."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]

Ang pagpapaliwanag

Kapag nagsagawa ng adhān ang Mananampalataya, tumatalikod ang demonyo at lumalayo sa pinagsasagawaan ng adhān nang sa gayon ay makaalis nang malayo upang hindi niya marinig ang adhān. Ang "mayroon siyang utot upang hindi niya marinig ang pananawagan" ang hayag na kahulugan nito ay sinasadya niya ang pagpapalabas ng utot na iyon upang makaabala ito sa pakikinig sa tinig na inilalabas ng tagapanawagan ng adhān o ginagawa niya iyon bilang panghahamak gaya ng ginagawa ng mga hangal. Malamang na siya ay nananadya niyon, bagkus nagaganap sa kanya sa pagkarinig ng adhān ang tindi ng pangamba na pinangyayari sa kanya ng tinig na iyon. Malamang na siya ay nananadya niyon upang tapatan ng karumihan ang nababagay sa pagdarasal na kadalisayan. Ang "natapos na ang iqāmah, humaharap siya hanggang sa manligalig siya" ay nangangahulugang nanunulsol siya. Lumalapit siya upang ilihis ang mga anak ni Adan. Tumatakas lamang ang demonyo sa sandali ng adhān dahil sa nakikita niya na pagkakasabay ng pagpapahayag ng adhikain ng Tawḥīd at iba pang mga kapaniwalaan at pagdadaos ng mga gawaing pagsamba. Ito ay dahil sa pagkasuklam na marinig ang pag-alala kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan. Ito ang kahulugan ng sabi ni Allah: "laban sa kasamaan ng bumubulong na palaurong." (Qur'an 114:4) Ang demonyo ay ang umuurong sa sandali ng pagbanggit kay Allah, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, nagtatago, at lumalayo. Ang sabi niya: "sa pagitan ng tao at sarili nito" ay lumalapit siya hanggang sa makahadlang sa pagitan ng tao at puso nito sa pagdarasal nito, na nagsasabi rito: "Alalahanin mo ang ganito at alalahanin mo ang gayon." Ang "hindi niya naalaala noong una" ay nangangahulugang bago siya magsimula sa pagdarasal. Ang "hanggang sa manatili ang lalaki" ay nangangahulugang makalimot at magalaho ang gana niya. Ang "hindi nakaaalam kung ilan ang dinasal nito" ay nangangahulugang dumating lamang ang demonyo sa sandali ng pagdarasal gayong mayroon itong pagbigkas ng Qur'an dahil ang kadalasan nito ay pakikipag-usap kay Allah sapagkat mayroon siyang paraang makalusot para sirain ito sa pamamagitan ng nagsasagawa nito o sirain ang kataimtiman nito. Sinasabi: Tumatakas siya sa sandali ng adhān nang sa gayon ay hindi siya mapilitang sumaksi sa anak ni Adan sa Araw ng Pagkabuhay gaya ng nasaad ḥadīth ayon kay Abū Sa`īd. Tingnan: Dalīl Al-Fāliḥīn 6/319 at Sharḥ Riyāḍ Aṣ-Ṣāliḥīn 5/34 at pagkatapos nito.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Urdu Espanyol Ang Wikang Indonesiyano Uyghur Ang Wikang Bangla Ang Wikang Pranses Ang Wikang Turko Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bosniyo Sinhala Indian Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano Kurdish Hausa
Paglalahad ng mga salin