عن طارق بن شهاب البجلي الأحمسي رضي الله عنه أنّ رجُلًا سأل النبي صلى الله عليه وسلم وقد وضَع رِجله في الغَرْزِ: أَيُّ الجهاد أفضل؟ قال: «كَلِمَةُ حَقًّ عِند سُلطَان جَائِرٍ».
[صحيح] - [رواه النسائي وأحمد]
المزيــد ...
Ayon kay Tariq bin Shihab Al-Bajli Al-Ahmasi-malugod si Allah sa kanya- Tunay na ang isang lalaki ay nagtanong sa Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at naipatong na niya ang paa nito sa estribo [Nagsabi siya]:Anong pakikibaka [ sa landas ni Allah] ang pinakamainam? Nagsabi siya: ((Ang pagsabi ng katotohanan sa harap ng Pinunong hindi makatarungan))
[Tumpak] - [Isinaysay ito ni Imām An-Nasā’īy - Isinaysay ito ni Imām Aḥmad]
Tinanong ng isang lalaki ang Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-at siya ay naghanda na sa paglalakbay: Anong uri ng pakikibaka ang may pinakamalaking gantimpala? Ipinahayag sa kanya ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang tungkol sa pinakamainam na pakikibaka [ sa landas ni Allah]; Ito ang mag-utos sa pinunung hindi makatarungan,ng mga kabutihan,at pagbawalan niya ng masasamang gawain,Ang pakikibaka ay hindi lamang sa pamamagitan ng pakikibaka sa mga hindi mananampalataya,Subalit ito ay may mga baitang;At ang nabanggit [sa Hadith] ay ang may pinakamalaking gantimpala;sapagkat ito ay maaaring maging dahilan ng pagkamatay o pagkakulong,dahil sa kasamaan ng pinuno,at dahil sa liit ng bilang ng sumusalungat rito.