عن أبي هريرة رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم : «لا تَلَقَّوُا الرُّكبان، ولا يبع بعضكم على بيع بعض، ولا تَنَاجَشُوا ولا يبع حَاضِرٌ لِبَادٍ، ولا تُصَرُّوا الإبلَ والغنم، ومن ابتاعها فهو بخير النَّظَرَين بعد أن يحلبها: إن رَضِيَهَا أمسكها، وإن سَخِطَها رَدَّهَا وَصَاعا ًمن تمر».
[صحيح] - [متفق عليه، والرواية الثانية رواها مسلم]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya, ayon sa Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan: "Huwag ninyong salubungin ang dumarating na mangangalakal. Huwag pagbentahan ng ilan sa inyo ang pinagbebentahan ng iba pa. Huwag kayong magpataasan sa tawad. Huwag magtinda ang isang taga-bayan para sa isang taga-ilang. Huwag ninyong talian ang mga utong ng mga kamelyo at mga tupa. Ang sinumang bumili nito, siya ay may pagpipilian sa dalawang pananaw matapos niyang gatasan ito: kung nalugod siya rito ay kunin niya ito, at kung nayamot siya rito ay isauli niya ito kasama ng isang ṣā ng datiles.
[Tumpak] - [Nagsalaysay nito si Imām Muslim - Napagkaisahan ang katumpakan]
Sinasaway ng Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ang limang uri ng pagtitindang bawal dahil sa taglay ng mga ito na mga kapinsalaang bumabalik sa nagtitinda o sa mamimili o sa iba pa sa kanilang dalawa: 1. Sinaway niya ang pagsalubong sa mga dumarating na magtinda ng mga paninda nila gaya ng pagkain at hayop. Sinasadya sila bago sila dumating sa palengke at binibilihan sila. Dahil sa kamangmangan nila sa presyo, marahil dinadaya sila sa pagtitinda nila at napagkakaitan sila ng ikinabubuhay nila na pinagpaguran nila. 2. Sinaway rin niyang magbenta ang isang tao sa pinagbebentahan ng kapwa niya. Tulad nito ang pagbili sa binibili ng iba. Iyon ay sa pamamagitan ng pagsabi sa sandali ng opsiyon ng transaksyon at opsiyon ayon sa kundisyon: "Ibibigay ko sa iyo ang higit na mahusay kaysa sa panindang iyan o higit na mura kaysa sa halagang iyan," kung ang kausap ay mamimili; o "bibilhin ko iyan sa iyo sa higit na malaki kaysa sa halaga niyan, kung ang kausap naman ay tindero, upang mapawalang-bisa ang bilihan at isagawa ito sa kanya. Ganoon din pagkalipas ng kalagayan o kundisyong may opsiyon pa, ipinagbabawal din iyon dahil sa isinasanhi nitong pagpapasigalot gaya ng bangayan, away, at pagkamuhi, at dahil sa dulot nitong pagputol sa ikabubuhay ng kapwa niya. 3. Pagkatapos ay sinaway niya ang pagpapataas sa presyo, na pagdaragdag sa halaga ng paninda nang walang layong bumili at para lamang sa kapakinabangan ng nagtitinda sa pamamagitan ng pagdaragdag sa halaga, o para sa kapinsalaan ng mamimili dahil sa pagtataas ng presyo ng bilihin sa kanya. Sinaway niya ito dahil sa ibinubunga nito roon na pagsisinungaling, pandaraya sa mga mamimili, at pagtataas ng presyo sa pamamagitan ng panggugulang at panlilinlang. 4. Gayon din, sinaway niya na magtinda ang tagakabihasnan para sa taga-ilang ng paninda nito dahil ang tagakabihasnan ay nakatatalos sa presyo ng paninda kaya walang matitira mula ritong anumang pakikinabangan ng mga mamimili. Ang Propeta, pagpalain siya ni Allāh at pangalagaan, ay nagsasabi: "Hayaan ninyo ang mga tao na tustusan ni Allāh ang ilan sa kanila ng iba pa." 5. Ipinagbabawal niya ang pagtitinda ng tinalian ang mga utong na mga hayupan kaya aakalain ng mamimili na ito ay karaniwang nagagatasan ng marami kaya bibilhin ito habang nagdaragdag sa presyo nito higit sa karapat-dapat dito kaya naman madadaya nga niya ang mamimili at malalabag ito sa katarungan. Nagtalaga ang Tagapagbatas para sa kanya ng isang yugto na maitutuwid niya ang paglabag sa katarungan sa kanya. Ito ay ang opsiyon na tatlong araw na may karapatan siyang panatilihin ito at may karapatan siyang ibalik ito sa nagtinda matapos na malaman niyang ito ay tinalian ang mga utong upang magmukhang may maraming gatas. Kung nagatasan na niya ito, ibabalik niya ito nang may kasamang isang ṣā' ng datiles bilang kapalit ng gatas.