عن أبي هريرة رضي الله عنه قَالَ: قَالَ رَسُولُ اللَّهِ صلى الله عليه وسلم : «ما من مَكْلُومٍ يُكْلَمُ في سبيل الله، إلا جاء يومَ القيامة، وكَلْمُهُ يَدْمَى: اللَّونُ لَوْنُ الدَّمِ، والرِّيحُ رِيحُ المِسْكِ».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allāh sa kanya-Hadith na Marfu: (( Walang sugat na nasugatan para sa landas ni Allah,maliban sa ito ay darating sa Araw ng Pagkabuhay,na ang sugat nito ay dadanak: at ang kulay nito ay kulay ng dugo,at halimuyak nito ay halimuyak ng pabango))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ipinapahayag ng Propeta-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-ang kainaman ng pakikibaka sa landas ni Allah-Pagkataas-taas Niya,at kung ano ang makakamit ng nagmamay-ari nito,mula sa napakagandang gantimpala,Na kung saan,sinuman ang nasugatan para sa landas ni Allah,naging sanhi ng pagkamatay niya o nalunasan [ang sugat niya], Darating sa Araw ng Pagkabuhay na sinasaksihan ng mga nilikha,sa palamuti ng pakikibaka at sa mga pagsubok nito,kung-kaya`t darating siya na ang sugat niya ay magiging sariwa,na may kulay dugo,at lalabas rito ang halimuyak ng bango.