عن أبي هريرة رضي الله عنه عن النبي صلى الله عليه وسلم قال: «لا تَرْغَبُوا عن آبائكم، فمن رغب عن أبيه، فهو كفر».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay Abū Hurayrah, malugod si Allah sa kanya: "Huwag kayong mamuhi sa mga magulang ninyo sapagkat ang sinuman namuhi sa magulang niya, siya ay tumangging sumampalataya."
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Ang sinumang namuhi sa kaangkanan ng magulang niya nang nalalaman at kusang-loob, ito ay maliit na kawalang-pananampalataya. Hindi ibig sabihin nito ang tunay na kawalang-pananampalataya na magpapanatili sa tao sa Impiyerno. Bagkus ito ay maliit na kawalang-pananampalatayang mababa sa malaking kawalang-pananampalataya. Ito ay pagtitiyak at pagbibigay-diin sa pagbabawal sa gawaing ito at pagpapapangit dito.