عن عبد الله بن عُمر رضي الله عنهما قال: «سأل رجل النبي صلى الله عليه وسلم وهو على المِنْبَرِ: ما تَرَى في صلاة الليل؟ قال: مَثْنَى مَثْنَى، فإذا خَشِيَ أحدُكم الصبحَ صلَّى واحدة فأَوْتَرَت له ما صلَّى، وأنه كان يقول: اجعلوا آخِرَ صلاتِكم باللَّيل وِتْراً».
[صحيح] - [متفق عليه]
المزيــد ...
Ayon kay `Abdullāh bin `Umar, malugod si Allah sa kanilang dalawa-Nagsabi siya: ((Tinanong ng isang lalaki ang Propeta-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nasa Minbar [Tinatayuan ng Imam sa kapag nagsesermon],Ano ang masasabi mo sa Dasal na Gabi? Nagsabi siya: (( Dalawa,dalawa,at kapag nangamba ang isa sa inyo [na madatnan ng ] Dasal na Subh,magdasal siya ng isang tindig,at nakapagdasal na siya ng Witr sa anumang naidasal niya,At tunay na sinasabi niyang: Gawin ninyong ang pinakahuling dasal ninyo sa gabi ay ang Witr))
[Tumpak] - [Napagkaisahan ang katumpakan]
Tinanong ng isang lalaki ang Propeta-Pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-habang siya ay nagsesermon sa Minbar [Tinatayuan ng Imam sa kapag nagsesermon], tungkol sa bilang ng mga tindig sa dasal na Gabi,at ang pamamaraan nito,At kabilang sa pagsusumikap niya-pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-sa [pagbibigay ng] pakinabang sa mga tao,at sa pagpapalaganap ng kaalaman sa kanila,Sinagot niya ito kahit na siya ay nasa lugar na ito,Ang sabi niya: Ang dasal na gabi ay dalawa,dalawa,Ibig sabihin ay: magsasagawa rito ang nagdadasal sa bawat dalawang tindig,At kapag nangamba siya sa pagsikat ng Subh,Magdasal siya ng isang tindig,at nakapagdasal siya ng Witr sa lahat ng naisagawa niyang dasal noon [bago ang witr] sa gabi, Pagkatapos ay ipinag-utos ng Propeta pagpalain siya ni Allah at pangalagaan-na tapusin ng alipin niya ang dasal na gabi sa dasal na Witr;Bilang palatandaan mula sa kanya-sumakanya ang pagpapala at pangangalaga,Na tapusin na may Pagsang-ayon sa kabutihan ang buhay niya sa Kaisahan [ng pagsamba sa Allah].At mayroon pang ibang pananalita,tungkol sa pamamaraan ng [pagsasagwa] Pagdasal sa Gabi at dasal na Witr.