عن عبد الله بن عمر -رضي الله عنهما- قال: سمعت رسول الله -صلى الله عليه وسلم- يقول: «انطلق ثلاثة نفر ممن كان قبلكم حتى آواهم المبيت إلى غار فدخلوه، فانحدرت صخرة من الجبل فسدت عليهم الغار، فقالوا: إنَّهُ لاَ يُنْجِيكُمْ من هذه الصخرة إلا أن تدعوا الله بصالح أعمالكم. قال رجل منهم: اللهُمَّ كان لي أبوان شيخان كبيران، وكنتُ لاَ أَغْبِقُ قبلهما أهلا، ولا مالا فنأى بي طلب الشجر يوما فلم أَرِحْ عليهما حتى ناما، فحلبت لهما غَبُوقَهُمَا فوجدتهما نائمين، فكرهت أن أوقظهما وأَنْ أغْبِقَ قبلهما أهلا أو مالا، فلبثت -والقدح على يدي- أنتظر استيقاظهما حتى بَرِقَ الفَجْرُ والصِّبْيَةُ يَتَضَاغَوْن عند قدمي، فاستيقظا فشربا غَبُوقَهُما، اللَّهُمَّ إن كنت فعلت ذلك ابتغاء وجهك فَفَرِّجْ عنا ما نحن فيه من هذه الصخرة، فانفرجت شيئا لا يستطيعون الخروج منه. قال الآخر: اللَّهُمَّ إنَّهُ كانت لي ابنة عم، كانت أحب الناس إليَّ -وفي رواية: كنت أحبها كأشد ما يحب الرجال النساء- فأردتها على نفسها فامتنعت مني حتى أَلَمَّتْ بها سَنَةٌ من السنين فجاءتني فأعطيتها عشرين ومئة دينار على أنْ تُخَلِّيَ بيني وبين نفسها ففعلت، حتى إذا قدرت عليها -وفي رواية: فلما قعدت بين رجليها- قالتْ: اتَّقِ اللهَ ولاَ تَفُضَّ الخَاتَمَ إلا بحقه، فانصرفت عنها وهي أحب الناس إليَّ وتركت الذهب الذي أعطيتها، اللَّهُمَّ إنْ كنت فعلت ذلك ابتغاء وجهك فافْرُجْ عَنَّا ما نحن فيه، فانفرجت الصخرة، غير أنهم لا يستطيعون الخروج منها. وقال الثالث: اللَّهُمَّ استأجرت أُجَرَاءَ وأعطيتهم أجرهم غير رجل واحد ترك الذي له وذهب، فَثمَّرْتُ أجره حتى كثرت منه الأموال، فجاءني بعد حين، فقال: يا عبد الله، أدِّ إِلَيَّ أجري، فقلت: كل ما ترى من أجرك: من الإبل والبقر والغنم والرقيق، فقال: يا عبد الله، لا تَسْتَهْزِىءْ بي! فقلت: لاَ أسْتَهْزِئ بك، فأخذه كله فاستاقه فلم يترك منه شيئا، الَلهُمَّ إنْ كنت فعلت ذلك ابتغاء وجهك فافْرُجْ عَنَّا ما نحن فيه، فانفرجت الصخرة فخرجوا يمشون».
[صحيح.] - [متفق عليه.]
المزيــد ...

Ayon kay `Abdullāh bin Umar, malugod si Allāh sa kanya: May lumisang tatlong taong kabilang sa nauna sa inyo hanggang sa ihatid sila ng pagpapalipas ng magdamag sa isang yungib. Pumasok sila roon ngunit may dumausdos na isang bato mula sa bundok at naipinid sa kanila ang yungib. Nagsabi sila: "Tunay na walang magliligtas sa inyo laban sa batong ito kundi ang dumalangin kayo kay Allāh sa pamamagitan ng matuwid sa mga gawa ninyo." May nagsabing isang lalaking kabilang sa kanila: "O Allāh, mayroon akong mga lubhang matandang magulang noon. Ako noon ay hindi nag-uuna sa pag-inom ng gatas bago nila ng isang kaanak ni isang alipin. Nailayo ako ng paghahanap ng pastulan isang araw kaya hindi ako nakapunta sa kanilang dalawa hanggang sa nakatulog silang dalawa. Iginatas ko silang dalawa ng inuming gatas nilang dalawa ngunit natagpuan ko silang dalawa na natutulog. Ikinasusuklam ko na gisingin silang dalawa at magpainom bago nila ng isang kaanak o isang alipin. Nanatili ako habang ang mangkok ay nasa kamay ko. Hinihintay ko ang paggising nilang dalawa hanggang sa sumikat ang madaling araw habang ang mga bata ay nag-aatungalan sa tabi ng mga paa ko. Nagising silang dalawa at uminom ng inuming gatas nila. O Allāh, ginawa ko lamang iyon sa paghahangad ng ikasisiya ng Mukha mo kaya paalpasin Mo kami sa kalagayang kami ay nakasadlak." Gumalaw ang bato ngunit sila ay hindi nakakayang lumabas mula roon. Nagsabi ang isa pa: "O Allāh, tunay na ako noon ay may pinsan. Siya ay pinakakaibig-ibig sa mga tao sa akin" - sa isang sanaysay: "Ako noon ay umiibig sa kanya nang gaya ng pinakamatinding pag-ibig ng mga lalaki sa mga babae - "Ninais ko siya para sa sarili ko ngunit tumanggi siya sa akin hanggang sa dapuan siya ng isa sa mga tagtuyot. Pumunta siya sa akin at binigyan ko siya ng isandaan at dalawampung dinar sa kundisyong isusuko niya sa akin ang sarili niya. Pumayag siya hanggang sa nang sa magagawa ko na sa kanya." Sa isang sanaysay: "Noong nakaluhod na ako sa pagitan ng mga paa niya, nagsabi siya: Mangilag kang magkasala kay Allāh at huwag mong punitin ang pagkabirhen malibang ayon sa karapatan nito. Kaya bumaling ako palayo sa kanya samantalang siya ay ang pinakakaibig-ibig sa mga tao sa akin at iniwan ko ang gintong ibinigay ko sa kanya. O Allāh, ginawa ko lamang iyon sa paghahangad ng ikasisiya ng Mukha mo kaya paalpasin Mo kami sa kalagayang kami ay nakasadlak." Gumalaw ang bato ngunit sila ay hindi nakakayang lumabas mula roon." Nagsabi ang ikatlo: "O Allāh, umupa ako ng mga upahan at ibinigay ko sa kanila ang upa nila maliban sa isang lalaking nag-iwan ng ukol sa kanya at lumisan. Ipinuhunan ko ito hanggang sa dumami mula rito ang ari-arian. Pinuntahan niya ako pagkalipas ng ilang panahon at nagsabi: O alipin ni Allāh, ibigay mo sa akin ang upa ko. Nagsabi ako: Ang lahat ng nakikita mo ay mula sa upa mo: mga kamelyo, mga baka, mga tupa, at mga alipin. Kaya nagsabi siya: O alipin ni Allāh, huwag kang magbiro sa akin! Kaya nagsabi ako: Hindi ako nagbibiro sa iyo. Kaya kinuha niya ang lahat ng ito, inakay, at hindi nag-iwan mula rito ng anuman. O Allāh, ginawa ko lamang iyon sa paghahangad ng ikasisiya ng Mukha mo kaya paalpasin Mo kami sa kalagayang kami ay nakasadlak." Gumalaw ang bato at lumabas silang naglalakad.
-

Ang pagpapaliwanag

May lumisang tatlong lalaki at itinulak sila ng paghahanap ng matutuluyan sa magdamag na kumanlong sa yungib ngunit may dumausdos na isang bato mula sa bundok at naipinid sa kanila ang yungib. Hindi nila nakayang alisin ito dahil ito ay isang malaking yungib kaya minabuti nilang magsumamo kay Allāh, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas sa pamamagitan ng matuwid sa mga gawa nila. Ang una ay nagsabing siya ay may dalawang lubhang matandang magulang. Mayroon siyang mga tupa. Ipinapastol niya ang mga ito. Pagkatapos ay umuuwi siya sa huling bahagi ng maghapon. Ginagatasan niya ang mga tupa at binibigyan niya ng gatas ang mga magulang niya, ang dalawang lubhang matanda. Pagkatapos ay ibinibigay niya ang natitira sa mag-anak niya at alipin niya. Nagsasabi siya: "Napalayo ako sa paghahanap ng pastulan na panginginainan ng mga tupa." Umuwi siya at natagpuan niya ang mga magulang niya na natutulog na hanggang sa sumapit ang madaling-araw habang siya ay naghihintay sa paggising ng mga magulang niya. Noong nagising sila at nakainom na ng gatas, pinainom niya ang mag-anak niya at alipin niya. Pagkatapos ay nagsabi siya: "O Allāh, ako ay nagpakawagas lamang sa gawain kong ito alang-alang sa Iyo kaya paluwagin mo sa amin ang kalagayang kami ay nasasadlak." Kaya gumalaw ang bato ngunit hindi pa rin nila nakakayang lumabas mula roon. Ang ikalawa naman, nagsumamo siya kay Allāh, kamahal-mahalan Siya at kapita-pitagan, dahil sa lubos na pagpipigil sa pangangalunya. Siya noon ay may pinsan na iniibig niya nang matinding pag-ibig gaya ng pinakamatindi sa pag-ibig ng mga lalaki sa mga babae. Ang pagnanais niya rito para sa sarili niya ay pangangalunya. Nais niyang mangalunya rito ngunit ito ay hindi sumang-ayon at tumanggi. Dinapuan ito ng karukhaan at kahikahusan kaya napilitan itong sumang-ayon sa pangangalunya dala ng pangangailangan. Ito ay hindi ipinahihintulot ngunit gayon pa man ito ang nangyari. Kaya pumunta ito sa kanya at binigyan niya ito ng 120 dinar upang maangkin niya ito. Pumayag ito dahil sa kahikahusan at pangangailangan. Noong lumuhod na siya gaya ng pagluhod ng lalaking makikipagtalik sa maybahay niya at ninanais na niyang gawin dito, sinabi nito sa kanya ang dakilang kahanga-hangang pangungusap na ito: "Mangilag kang magkasala kay Allāh at huwag mong punitin ang pagkabirhen malibang ayon sa karapatan nito." Kaya tumindig siya palayo rito gayong ito ay pinakakaibig-ibig na tao sa kanya ngunit inabot siya ng takot kay Allāh, kapita-pitagan Siya at kamahal-mahalan. Iniwan niya rito ang perang ibinigay niya rito. Pagkatapos ay nagsabi siya: "O Allāh, ako ay nagpakawagas lamang sa gawain kong ito alang-alang sa Iyo kaya paluwagin mo sa amin ang kalagayang kami ay nasasadlak." Kaya gumalaw ang bato ngunit hindi pa rin nila nakakayang lumabas mula roon. Ang ikatlo naman ay nagsumamo kay Allāh, napakamaluwalhati Niya at pagkataas-taas, gamit ang katapatan, ang pagpapabuti, at ang kawagasan sa gawain sapagkat siya ay bumabanggit na siya ay umupa ng mga upahan para gumawa ng isang gawain. Ibinigay niya sa kanila ang mga upa nila maliban sa isang lalaking iniwan ang upa nito at hindi kinuha. Ipinuhunan ng umuupang ito ang upang ito kaya kumikita siya dahil dito sa pamamagitan ng pagtitinda, pagbili, at iba pa hanggang sa lumago at nagkaroon mula rito ng mga kamelyo, mga baka, mga alipin, at malaking mga yaman. Pagkalipas ng ilang panahon ay bumalik ito at nagsabi sa kanya: "O alipin ni Allāh, ibigay mo sa akin ang upa ko." Kaya nagsabi siya: "Ang bawat nakikita mo, ito ay sa iyo: mga kamelyo, mga baka, mga tupa, at mga alipin." Nagsabi ito: "Huwag mo akong biruin. Ang upang para sa akin sa iyo ay kaunti. Papaanong naging sa akin ang bawat nakikita kong mga kamelyo, mga baka, mga tupa, at mga alipin? Huwag mo akong biruin." Nagsabi siya: "Ito ay sa iyo." Kaya kinuha nito iyon at inakay ang lahat ng iyon at hindi nag-iwan sa kanya ng anuman. Pagkatapos ay nagsabi siya: "O Allāh, ako ay nagpakawagas lamang sa gawain kong ito alang-alang sa Iyo kaya paluwagin mo sa amin ang kalagayang kami ay nasasadlak." Kaya gumalaw ang bato at nabuksan ang bukana. Lumabas silang lumalakad dahil nagsumamo sila kay Allāh sa pamamagitan ng matuwid sa mga gawa nilang ginawa nila bilang pag-uukol ng kawagasan kay Allāh, kapita-pitagan Siya at kamahal-mahalan.

Ang Salin: Ang Balarila ng Wikang Ingles Ang Wikang Pranses Ang Wikang Espanyol Ang Wikang Turko Ang Wikang Urdu Ang Wikang Indonesiyano Ang Wikang Bosniyo Ang Wikang Ruso Ang Wikang Bangla Ang Wikang Tsino Ang Wikang Persiyano
Paglalahad ng mga salin